CAMP DANGWA, Benguet
Anim na di umano’y drug pushers ang nahuli sa magkakai-ibang ilegal na drug operation at umabot sa kabuuang
P46,853,979 halaga ng marijuana,shabu ang nasamsam sa mas pina-igting na kampanya laban sa illegal na droga ng
Police Regional Office – Cordillera mula Pebrero 5 hanggang Pebrero 13 ng taong ito. Ayon kay Brig.Gen.David
Peredo,Jr., sa isinagawang drug operation noong Pebrero 8 hanggang Pebrero 8, ang mga operatiba ng Kalinga Provincial Police Office aynakapagtala ng malaking accomplishment sa pagkakadiskubre ng 6 gramo ng hinihinalang shabu at 233,750.00 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na P28,090,800.00.
May kabuuang 37,100 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants na may halagang P7,420,000.00 ang nadiskubre sa magkahiwalay na operasyon ng marijuana eradication mula sa 13 plantation sa lalawigan ng Benguet. Arestado ang apat na drug personalities sa Baguio City at sa probinsya ng Abra at Benguet matapos makuhanan ng kabuuang 21.24 gramo ng hinihinalang shabu, at 7.73 gramo ng marijuana fruiting tops na may kabuuang SDP na P145,359.60.
Ayon pa kay Peredo, noong Pebrero 13, nagsagawa muli ng serye ng marijuana eradication ang kapulisan sa lalawigan ng Benguet,Kalinga at Mt. Province, na nakasamsam ng kabuuang 55,950 piraso ng fully grown marijuana plants na may kabuuang SDP na P11,190,000.00.
Dalawang drug personalities din ang nasakote sa buy-bust operation sa lalawigan ng Abra at nahulihan ng 0.34 gramo ng shabu na may halagang P7,820. Nanawagan naman ang kapulisan sa lahat ng mamayan na makipag-tulungan sa kapulisan upang labanan ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga sa buong Cordillera na kung saan anila hindi nila kayang lutasin ang problema sa illegal na drogan kung hindi makikipag-tulungan ang mamamayan.
ZC/ABN
February 16, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024