P535-M SHABU NASAMSAM SA KARAGATAN NG ILOCOS REGION

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, La Union

Umabot na 79 pakete ng shabu na nagkakahalagang P535 milyon ang magkakasunod na nasamsam habang nakalutang sa karagatan ng lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. Ang huling pagkakadiskubre o’ ang ikaapat na batch, ay narekober ng mga mangingisda ang isang sako na naglalaman ng 19 pakete ng shabu, may halagang P129
milyon sa karagatan ng Barangay Pur. Magsingal.Ilocos Sur, noong Hunyo 27. May kabuuang 79 na pakete o 79 kilo ng shabu na may markang Chinese ang natagpuan, na ang una ay 60 pakete na ma timbang na 24 kilo at may halagang P162 milyon, ang natagpuan sa karagatan ng Barangay Solotsolot, San Juan, Ilocos Sur noong Hunyo 24.

Pangalawa ay noong Hunyo 26, na 18 kilo ng shabu na may halagang P122 milyon ang nakita din sa karagatan ng Barangay Villamar, Caoayan, Ilocos Sur, Hunyo 26, na kasabay din nito ang 18 kilo ng shabu na may halagang P122 milyon ang nakita sa karagatan ng Currimao, Ilocos Norte, noong Hunyo 26. Kinumpirma umano sa random testing ng Provincial Forensic Unit ng Ilocos Norte/ Sur na ang puting crystalline substance sa loob ng mga pakete ay shabu.
Pinuri naman ni Brig.Gen. Lou Evangelista, regional director ang komunidad, lalong-lalo sa dalawang mangingisda sa kanilang pag-uulat sa kontrabando na ginagamit ang dagat ng mga sindikato sa droga.

“Ang agarang pag-uulat ng komunidad tungkol sa pagtuklas na ito ay mahalaga sa aming pagsisikap na labanan ang iligal na droga. Hinihikayat namin ang lahat, lalo na ang mga nakatira sa tabi ng baybayin, na iulat kaagad ang anumang katulad na natuklasan sa kanilang pinakamalapit na istasyon ng pulisya,” pahayag ni Evangelista.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon