P55.5-M MARIJUANA ANG NASABAT, 28 DRUG PUSHER, NALAMBAT SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Matagumpay na nasamsam ng Police Regional Office-Cordillera Administrative Region ang kabuuang P55 575,177.28 halaga ng mga halamang marijuana at ang pagkakaaresto sa 28 drug personalities mula Mayo 1 hanggang 31. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo, Jr., Regional Director, 73 anti-illegal drug operations ang isinagawa sa panahong ito. Ang mga operasyong ito ay humantong sa pag-aresto sa 28 indibidwal, kabilang ang 17 na kinilala bilang High Value Individuals (HVIs) at 11 iba pa na nakalista bilang Street Level Individuals (SLIs).

Sinabi ni Peredo, nakumpiska ng mga operatiba ang kabuuang 153,380 piraso ng fully grown marijuana plants,
2,700 piraso ng marijuana seedlings, 103,814.79 gramo ng tuyong dahon ng marijuana at fruiting tops, 97,700.00 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana, 119.77 ml ng marijuana oil, at 119.77 ml ng marijuana oil. na may kabuuang halaga ng Dangerous Drug Board na P55,575, 177.28. Pinuri niya ang mga operatiba sa kanilang pagsisikap sa pagpuksa sa mga aktibidad ng iligal na droga sa rehiyon at idiniin na ang mga tagumpay na ito ay naging posible sa pamamagitan ng walang humpay na anti-illegal drug operations at preventive measures na isinagawa ng kapulisan sa rehiyon.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon