P6.1M halaga ng marijuana sinunog sa Ilocos Sur-Benguet Border

LA TRINIDAD, Benguet – Sinunog ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Ilocos at mga pulis ng Benguet ang nasa PhP6, 177,000 halaga ng mga tanim na marijuana sa pagitan ng Benguet- Ilocos Sur borders sa isang eradication operations noong Biyernes.

May 22, 560 piraso ng fully-grown marijuana plants, 1,000 seedlings, at 13 kilo ng tuyong tangkay ng marijuana ang natagpuan sa pitong plantasyon na tinatayang may sukat na 3,580 square meters sa Mt. Baukok, Mt. Bila at Mt. Wasan sa Barangay Tacadang, Kibungan Benguet at Barangay Danac, Sugpon, Ilocos Sur.

Lahat ng tanim na marijuana at seedlings ay naging abo sa mismong plantayson maliban sa ilan na gagamitin bilang ebidensiya, ayon sa mga awtoridad.

Samantala, isang barangay kagawad ang inaresto sa isang biglaang operasyon sa Cagayan. Inaresto si Inocencio Reyes Aquino, 46 at ikinokonsidera ng mga awtoridad bilang isang high-value target drug personality bandang 5:01 ng hapon noong Biyernes ng mga ahente ng PDEA Regional Office 2 at local police sa Camias Street, Barangay Tanza, Tuguegarao City, Cagayan.

Anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, may bigat na humigit-kumulang 0.10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng PhP680 ang nakumpiska mula sa opisyal ng barangay.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon