P6.2M HALAGA NG MARIJUANA PLANT BINUNOT SA KALINGA, BENGUET

CAMP DANGWA, Benguet

Nasa kabuuang P6.2 milyong halaga ng mga halaman ng marijuana ang nabunot at nasunog sa magkahiwalay na pagpuksa ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga at Kibungan, Benguet noong Disyembre 6, ayon sa Police Regional Office-Cordillera. Sinabi ni Brig.Gen.Mafelino Bazar,
regional director, binunot ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Group ng Kalinga Provincial Police Office at Naval Intelligence Security Group Northern Luzon (NISGNL) ang 17,000 fully grown
marijuana plants (FGMJP) na may Standard Drug Price na P3,400,000.00) sa isang araw na operasyon sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga sa pamamagitan ng COPLAN Green Herb.

Ang mga operatiba ng Tinglayan Municipal Police Station sa pamamagitan ng marijuana eradication OPLAN Gogo ay nagbunga ng kabuuang 4,000 FGMJP na may SDP na P800,000.00) na nabunot mula sa isang plantasyon na may lupang tinatayang 200 square meters partikular sa Sitio Canaan, Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Ang mga nasamsam na halaman ng marijuana ay sinunog at sinira sa lugar.
Gayunpaman, walang cultivator ang nahuli sa operasyon.

Sinabi ni Bazar, sa isang hiwalay na anti-illegal drug operation, pitong 12 marijuana plantation sites ang natuklasan sa munisipalidad ng Bakun at Kibungan sa Benguet. Nadiskubre ng mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station, Bakun MPS, at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang 200 piraso ng FGMJP at 1,650 marijuana seedlings na may SDP na P2,066,000.00. Binunot at sinunog ng mga
operatiba ang lahat ng natuklasang halaman ng marijuana habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng nasabing mga plantasyon ng marijuana.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon