TINGLAYAN, Kalinga
Muling nakabunot ang mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office ng mahigit sa 32,000 piraso ng marijuana, na may halagang P6.4 milyon sa patuloy na operasyon sa bulubundukin ng Barangay Loccong,Tinglayan, Kalinga, noong 10-15. Sa ulat na tinanggap ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, natuklasan ng magkasanib na operatiba mula sa 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit Kalinga PPO, at PDEA-Kalinga ang 20,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may tinatayang Standard Drug Price. ng P4,000,000.00 sa isang communal forest sa Barangay Loccong, noong Mayo 15.
Hindi kalayuan sa nasabing lugar ay unang nadiskubbre ng magkasanib na operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), at PDEA-Kalinga ang mahigit sa 12,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may SDP na P2,400,000.00,noong Mayo 10. Ayon kay Peredo, nagsagawa din ng search warrant operation ang pinagsanib na operatiba ng Tabuk City Police Station, 1st Kalinga PMFC, PDEU, Regional Intelligence Division (RID) na humantong sa pagkakaaresto sa isang 62- anyos na lalaki na nakalista bilang Street Level Individual matapos madiskubre ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 300 gramo na may Standard Drug Price na P2,040,000.00; 55 ml marijuana oil na may SDP na P12,100.00.
Narekober din ng mga operatiba ang isang 5.56mm M16A1 COLT AR15 na naglalaman ng 13 live ammunitions; isang
magazine para sa 5.56mm na may 8 live na bala; pitong mahabang magazine para sa 5.56mm; at 3 kahon na naglalaman ng kabuuang 90 live ammunitions para sa 5.56mm, mula sa kanyang tirahan sa Barangay Nambaran. Ang isa pang search warrant na ipinatupad din sa Tabuk City ng parehong mga operatiba ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 31-anyos na lalaki na nakalista bilang Street Level Individual matapos mahulihan ng hinihinalang 5 gramo ng shabu na may SDP na P34,000.00; isang AR15 COLT 5.56 rifle; at kabuuang 87 live ammunition para sa 5.56mm sa kanyang tirahan sa Barangay Nambaran.
Ayon kay Peredo patuloy ang isinasagawang marijuana eradication sa mga plantasyon sa iba pang barangay sa Tinglayan, upang hindi ito mailabas ng lalawigan patungo sa lowland areas. Pinuri din ni Peredo ang dedikadong
pagsisikap ng mga operatiba na nagresulta sa matagumpay na operasyon. Hinikayat din niya ang iba pang mga yunit na paigtingin ang kanilang anti-illegal drug operations upang ihinto ang pagtatanim at pagbebenta ng mga halaman ng marijuana sa Cordillera Region.
Zaldy Comanda/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025