LUNGSOD NG LAOAG – Nagpalabas ng halos P6 milyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa patuloy na implementasyon ng cash-for-work program ng Ilocos Norte.
Kinumpirma ni Iryn Cubangbang, information officer of DSWD Region 1, noong Mayo 10 matapos ang pamamahagi ng sweldo sa piling benepisyaryo sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya.
Daang benepisyaryo ang pumila sa ginanap na pamamahagi na P210 bawat araw, sa munisipalidad ng Badoc, Dingras, Solsona, Piddig at Batac City noong nakaraang linggo.
“This is a continuing program between the provincial government and the DSWD in support of the climate change adaptation and mitigation project,” ani Cubangdang sa naganap na pamamahagi na isinagawa sa barangay hall ng flood-prone barangays ng Capurictan, Puttao at Barcelona.
Mayroon ding isinasagawang pamamahagi ng cash-for-work program sa mga piling benepisyaryo ng Laoag City at bayan ng Pagudpud.
Sa ilalim ng cash-for-work program ng national government, ang mga marginalized earner o iyong walang regular na income ay binigyan ng pagkakataong kumita kapag interesadong mag-apply.
Noong una, ang programa ay sinimulan bilang coping mechanism para sa mga residenteng madalas tamaan ng bagyo. Nang maglaon, patuloy itong sinusuportahan ng pagsisikap ng pamahalaang Duterte na bumuo ng lokal na trabaho at mabawasan ang kahirapan sa kanayunan.
Sa loob lamang ng ilang oras ng pagbibigay ng serbisyo sa komunidad sa kani-kanilang mga barangay, ang mga residente ay mababayaran batay sa umiiral na sahod sa kanilang mga lugar.
Ang ilan sa mga proyektong pangkomunidad ay tree planting, paglilinis ng mga kalsada, pagkolekta ng basura at pag-aayos ng mga pasilidad ng komunidad, at iba pa. L.ADRIANO, PNA / ABN