LUNGSOD NG BAGUIO – Ipapatupad ng lungsod ang panukalang multibillion na development ng pampublikong pamilihan ng lungsod na pangangasiwaan at patatakbuhin ng lungsod sa susunod na taon.
Sinabi ni Mayor Benjamin B. Magalong na walang magiging sagabal sa mga proseso ng Public Private Partnership for the People Selection Committee (P4-SC) ng lungsod dahil ito ay hindi sakop ng election ban sa panahon ng kampanya para sa May 9, 2022 synchronized national and local elections.
Sinabi niya na ang negotiating teams ng parehong pamahalaang lungsod at SM Primr Holdings, Inc., ang kompanyang binigyan ng P4- SC the Original Proponent Status (OPS) para sa proyekto, ay trinatrabaho na ang final terms of reference ng market development upang ang proseso ay umusad sa sususnod na mga hakbang ng partnership na pinapanatili ng P4 ordinance ng lungsod.
Ang P4-SC ay inaasahang magsimula sa kasalukuyang mga negosasyon para sa final terms of reference, kapuwa sa technical at financial, ng proyekto sa Enero 15, 2022 bagaman mayroon pang posibilidad para sa pagpapalawig ng negotiation period base sa assessment at recomendasyon ng mga partido na kasama sa pormulasyon ng mga terms ng proyekto.
Binigya-diin ng mayor na ang pamahalaang lungsod ang mangangasiwa at magpapatakbo ng public market bilang bahagi ng multi-story structure na itatayo ng developer sa 3-ektaryang market area.
Sa ilalim ng P4 rules and regulations, ang final terms of reference na napagkasunduan ng mga negotiating team ng mga partido ay ilalathala upang mabigyan ng pagkakataon ang mga interesadong kompanya na lumahok sa Swiss Challenge na itatakda, kung saan ang ibang developer ay magsusumite ng kanilang mas nkahihigit na alok kumpara sa SM Prime Holdings upang Manalo sa subasta.
Ang panukalang modernisasyon ng public market ay isa sa priority projects ng kasalukuyang administrasyon na ipapatupad sa pamamagitan ng umiiral ng P4 ordinance upang mapagbihyan ang mga interesadong developer na lumahok sa kasalukuyang estado ng show window ng lungsod.
Nauna dito, nagsumite ang SM Prine Holdings, Inc. at Robinsons Land Corporation ng kanilang mga alok para sa panukalang development ng public market na malawakang inassess at inevaluate ng P4-SC na nagbigay daan para sa pag-isyu ng OPS sa SMPHI.
Ang mga negotiating team ay nagtratrabaho sa 18-point financial terms at 16-point technical terms ng proyekto upang masiguro ang paglikha ng final terms of reference na ilalathala at iaalok sa pamamagitan ng Swiss Challenge na bahagi ng 19-step P4 process sa ilalim ng P4 ordinance ng lungsod na linikha noong 2018.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)
January 1, 2022
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024