SAN FERNANDO, La Union
Nagpamahagi ang Provincial Government of La Union (PGLU) ng P7.5 milyon tulong pinansyal sa 843 residente para sa medical at burial assistantance sa La Union Convention Center noong Marso 14. Umabot sa P7,567,000.00 ang naipamahaging assistance na bahagi ng unang batch ng mga benepisyaryo kung saan P9,326,000.00 ang inilaan para sa 1,029 na total recipients. Pinangunahan ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David ang pamamahagi ng ayuda. Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang may sakit na sumasailalim sa dialysis, chemotherapy, operasyon, maintenance na gamot, at ibang pang medical assistance, pati na rin ang mga nangangailangan ng burial assistance
. Ayon kay Gov. Rafy, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga susunod na batch at ang mga hindi nakadalo sa event ay maaaring kunin ang kanilang ayuda sa Cash Division Unit sa Kapitolyo. “At the end of the day, this is what public service is all about. We are given the opportunity to serve, to give, and to uplift. And as long as we’re here, we will keep finding ways to make a difference,” aniya. Bukod sa financial assistance, may iba pang programa ang PGLU gaya ng libreng medical check-up, gamot, at iba pang social services para sa mga taga-La Union.
By Ramil Abenoja / UB-Intern
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025