LA TRINIDAD, Benguet
Habang patuloy na pinaiigting ng mga anti-illegal drug operatives ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ay muling nakasamsam ng P7,093,898.00 halaga ng iligal na droga, samantalang apat na drug personalities ang naaresto sa serye ng mga
operasyon na isinagawa mula Hunyo 16-22. Sa ulat ng Regional Operations Division, naisagawa ang 12 operasyon, kabilang dito ang tatlong pagpapatupad ng mga search warrant, walong marijuana eradication at isang serbisyo ng warrant of arrest. Ang mga operasyong ito ay humantong sa pagkumpiska ng 32,120 fully grown marijuana plants (FGMJP), 4,000 marijuana seedlings, 61.17 gramo ng
hinihinalang shabu, at 15ml ng liquid shabu, na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P7,093,898.00, at ang pagkakaaresto sa apat na High Value Individual (HVI).
Ang pinakakilalang operasyon ay naganap sa Benguet, kung saan ay sinira ng Benguet PPO ang 22,000 FGMJP at 4,000 piraso ng
marijuana seedling na may SDP na P4,584,000.00 samantalang ang at Kalinga PPO ay sinira ang may 10,000 FGMJP na nagkakahalaga ng P2,000,000.00. Sa Mountain Province, nakumpiska ng Mountain Province PPO ang 60 gramo ng hinihinalang shabu at 15 ml ng
liquid shabu na may kabuuang SDP na P501,942.00 at nahuli ang dalawang HVI, habang sa Apayao, nakuha ang 1.17 gramo ng hinihinalang shabu. Bukod dito, isang HVI din ang naaresto sa Baguio City Police Office. Ang mga nagawang ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng PRO CAR na labanan ang paglaganap ng mga ilegal na droga sa rehiyon, na binibigyang-diin ang bisa ng patuloy na pagpapatupad ng batas at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensya.
ZC/ABN
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025