P7-M SHABU, MARIJUANA NASABAT SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Ang isang linggong anti illegal drug operations na isinagawa ng mga pulis ng PRO-CAR ay humantong sa pagkakasamsam ng mahigit P7 milyong halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto sa tatlong drug personalities na sangkot sa illegal drug trade mula Hulyo 8– 14. Nabatid na nagsagawa ang pulisya ng siyam na operasyon sa iba’t ibang lugar sa rehiyon na nagresulta sa pagkumpiska ng 39,225 piraso ng fully grown na halaman ng marijuana at
12.12 gramo ng shabu, na may isang kabuuang halaga na P7,927,416.00.

Naganap ang pinaka makabuluhang operasyon sa Kalinga, kung saan nasamsam ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P6,567,600.00, at inaresto ang isang drug personality na nakalista bilang Street Level Individual (SLI), na sinundan ng Benguet police na nakakuha ng mga halamang marijuana na nagkakahalaga ng P1,325,000.00. Gayundin, naaresto ng Baguio police ang isang SLI at nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00 sa matagumpay na buy-bust operation, habang nahuli naman ng Apayao police ang isang high-value na indibidwal at nakuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P816.00.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon