CAMP DANGWA, Benguet
May kabuuang P76,813,521.20 halaga ng marijuana, shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera, kasabay sa
pagkakadakip sa 29 drug personalities mula sa mga operasyon noong Marso 1 hanggang 31. Sa ng ulat Regional Operations Division, may kabuuang 102 magkakahiwalay na operasyon ang isinagawa sa buong rehiyon, kabilang 75 marijuana eradication; siyam na buy-bust
operation; walong search warrant; anim na warrant of arrest at apat police response. Sa operasyon ay nagresulta sa pagkumpiska ng 110.29 gramo ng hinihinalang shabu, 337,610 fully grown marijuana plants, 1,850 marijuana seedlings, at 71,016.13 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, na may pinagsamang kabuuang Standard Drug Price na P76,813,52.
Mula sa 29 na drug personality na nadakip, ay 11 ang kinilala bilang High Value Individuals (HVI) at 18 bilang Street Level Individuals (SLI). Ang pinakamataas na halaga ng iligal na droga ay nakumpiska ng Benguet Police Provincial Office (PPO), na nagkakahalaga ng P42,122,080.00, sinundan ng Kalinga PPO, na nakumpiska ng ilegal na droga na may SDP na P33,160,200.00. Ang Mountain Province PPO ay nakumpiska din ng P1,054,400 halaga ng droga; ang Baguio City Police Office ay nakasamsam ng P239,575.60 shabu at Abra PPO na P113,288.00 halaga ng shabu. “Ang masinsinang kampanya sa buwang ito ay nagpapakita ng matatag na pagpapasiya na lansagin ang mga network ng droga at pangalagaan ang ating mga komunidad. Ang dedikasyon ng ating mga pulis at walang humpay na paghahangad ng hustisya ay nagbunga ng makabuluhang mga resulta, na nakakagambala sa daloy ng mga ilegal na sangkap at pinapanagot ang mga responsable,” pahayag ni Police Brig,Gen.David Peredo,Jr., regional director.P76.8-M marijuana, shabu nasamsam sa Cordillera
Zaldy Comanda/ABN
April 5, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025