CAMP DANGWA, Benguet
Sa pinaigting na anti-illegal drugs campaign na ipinatupad ng iba’t ibang unit ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ay humantong sa pagsamsam ng iligal na droga na may kabuuang halaga na
P8,457,338.00 at pagkakaaresto sa anim na drug personality sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa mula Pebrero 17 hanggang 23. Sa loob ng isang linggong kampanya, 20 operasyon ang isinagawa sa buong rehiyon, na
humantong sa pagkumpiska ng 35,120 fully grown marijuana plants; 6,000.05 gramo ng dried marijuana na may mga bungang tuktok; 4,500 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana, at 25.49 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may kabuuang Standard Drug Price na P8,457,338.00.
Bukod pa rito, ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pag-aresto sa anim na personalidad ng droga, lahat ay nakalista bilang Street Level Individuals (SLIs). Ang pinakamahalagang operasyon ay naganap sa Benguet, kung saan ang Benguet Police Provincial Office (PPO) ay nagsagawa ng marijuana eradication na nagkakahalaga ng
P5,784,000.00 na sinundan ng Kalinga PPO na nakasamsam ng mga ilegal na droga na may SDP na P2,572,080.00 at nahuli ang isang SLI. Nakumpiska naman ng Abra PPO ang hinihinalang shabu na may SDP na P51,612.00 at naaresto ang dalawang SLI. Sa Baguio City, nasabat ng Baguio City Police Office ang hinihinalang shabu na
nagkakahalaga ng P47,600.00 at nahuli ang dalawang SLI. Samantala, sa Apayao, ang matagumpay na search warrant operation na ipinatupad ng ng Apayao PPO ay humantong sa pagkakaaresto ng isang SLI at pagkumpiska ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P2,046.00.
ZC/ABN
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025