Sinunog ng mga awtoridad ang mahigit PhP 80 milyon halaga ng marijuana sa Mt. Chumanchil sa barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga. Isang malaking hukbo ng pulis Cordillera, mga ahente ng PDEA-Cordillera, Philippine Army’s 503rd Brigade at NBI Region 2 agents ang lumusob sa mahigit 2 ektarya (21,000 square meter) plantasyon at sinunog ang 404,300 fully-grown tanim na marijuana noong Martes.
Lima pang ibang plantasyon ang natuklasan malapit sa barangay Tulgao East, sa Tinglayan din ang niraid sa parehong araw at sinunog ang PhP2,300,00 pa na tanim na marijuana sa kabuuang lawak na 1,370 square meters (nasa 11,500 fully grown marijuana planta), ayon sa mga awtoridad.
Sinabi ni Cordillera police director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan na mismong sumama rin sa operasyon kasama si 503rd Brigade Commander Brig. Gen. Henry Doyaoen, NBI-Region 2 Director Atty Gelacio Bongat na walang nagtatanim ang nasumpungan sa mga plantasyon.
Noong 2016 ay tila sinunog ng mga awtoridad ang Mt. Chumanchil matapos kumpiskahin ang nasa kabuuang PhP1.68B halaga ng marijuana sa lugar sa halos dalawang linggo na eradication operation.
AAD/PMCJr.-ABN
August 22, 2020