TABUK CITY, Kalinga
Pinasinayaan ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang unang prototype building ng Tabuk City Police Station sa Barangay Laya West, Tabuk City, Kalinga, noong Abril 18.
Ang apat na palapag na police station na tinaguriang unang world class state-of-theart police station sa Pilipinas, na may halagang P83 milyon ay donasyon ng Public Safety Savings and Loans
Association, Inc. (PSSLAI) habang ang 2,000 square meters na kinatatayuan nito ay donasyon ng pamahalaang lungsod.
Pinangunahan ni Azurin ang paglagda ng Deed of Donation with Acceptance Between the PNP and PSSLAI; Turn-Over ng Complete Sets of Plan and the Symbolic Key, pagkatapos ng inagurasyon at
basbas. Ang okasyon ay sinaksihan ni PSSLAI Chairman Atty. Lucas Managuelod; Congressman Allen Jessie Mangaoang; James Edduba, Mayor Darwin Estrañero; Sinabi ni PROCOR Director
Brig. Gen. David Peredo, Jr. at mga opisyal ng Lungsod ng Tabuk at Kalinga.
Zaldy Comanda/ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025