P9.6-M DROGA NASAMSAM, SIYAM DRUG PUSHER ARESTADO SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Sa patuloy na pinaigting na anti-illegal drugs campaign ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ay
nagreresulta sa pagsamsam ng iligal na droga na may kabuuang halaga na P9,601,620.00 at pagkakaaresto sa siyam na drug personalities
sa isinagawang mga operasyon mula Abril 7 hanggang 13, 2. Sa loob ng isang linggong kampanya, 21 operasyon ang isinagawa, na nagresulta sa pagkumpiska ng 28,638 fully grown marijuana plants, 20,000 gramo ng dried marijuana at fruiting tops, 11,000 gramo ng
pinatuyong tangkay ng marijuana, at 22.15 gramo ng shabu.

Gayundin, siyam na drug personality ang nahuli, kung saan lima ang nakalista bilang Street Level Individuals (SLIs) at apat ang kinilala bilang High Value Individuals (HVIs). Kabilang sa pinakakilalang operasyon ang pagsamsam ng iligal na droga na nagkakahalaga ng 4,860,520.00 at ang pag-aresto sa dalawang SLI ng Benguet Police Provincial Office (PPO), at ang pagpuksa sa mga halamang marijuana na may kabuuang halaga ng P4,600,000.00 ng Kalinga PPO. Bukod dito, nakumpiska ng Baguio City Police Office ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P121,040.00 at nahuli ang tatlong HVI at dalawang SLI, habang ang Ifugao PPO ay naaresto ang isang HVI at nakuhanan ng P17,000.00 halaga ng shabu, at Apayao PPO ay nakuhanan ang isang SLI ng P3,060 halaga ng droga.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon