PAG-TAKEOVER NG ABRA ACTING VICE-GOV IKINABAHALA NG RESIDENTE SA PAGDAGSA NG KAPULISAN SA KAPITOLYO NG ABRA

BANGUED, Abra

Residente ng bayang ito nagulantang diumano sa pagdating ng ilang armadong personnel ng Special Action Force ng Philippine National Police at ng Abra Provincial Police Office na pumalibot sa boong paligid at sa loob ng kapitolyo sa Bangued Abra. Ang ikinagulat diumano ng mga Abrenios ay ang pagdating ng convoy na pumarada umano sa harap ng kapitolyo na ang sakay ng nasabing sasakyan ay si Acting Vice-Gov.Russel Bragas na pumalit kay Vice-Gov. Joy Valera Bernos na sinuspendi ng 18 buwan na ibinaba ng tanggapan ni Interior Secretary Juanito Victor Remulla ng DILG.

Ayon sa isang residente ng Bangued ang nagsabi na hindi naaayon sa batas ang ginagawa ng kapulisan sa Abra. Sapagkat tuwing umuusbong ang mga sensitibong kaso o isyu sa lalawigan ay sangkatutak na pulis ang escort ng isang polanong opisyal ng gobierno na pumapasok sa . Nangyari ito aniya noong Novemer 14 at 19, 2024. Idinagdag pa bakit agaran na isinasara ng walang abiso sa publiko ay ura-uradang isinasara ang kalsada na magdudulot ng pagkamangha ng taong bayan.

Aniya saan ang pagkapatas ng mga miembro ng pnp at bakit napakatahimik ang mga nasa religious sector at mga Abreno ngayong tila lumalaganap na naman ang takot sa lalawigan ng Abra. Malugod na tumalima sa Abra Vice Governor Joy Bernos sa utos ng batas sa kabila ng patuloy na pagyurak sa kanya ng kanyang mga kalaban sa
politika. Sa kanyang opisyal ng pahayag, sinabi ni Vice Governor Bernos na noong ipinalabas ang suspension order noong buwang ng Agosto, 2024 mula sa Malakanyang bunsod aniya sa ipinatupad niyang desisyon habang kasagsagan ng Covid 19 pandemic na para sa kapakanan ng nakararami niyang kababayan.

Nagsampa siya ng petition sa Regional Trial Court Branch 59 sa Bangued Abra na nagpalabas ng 20 araw ng
Temporary Restraining Order. Sinundan ito ng writ of preliminary Injunction na humahadlang sa implementation sa suspension order laban sa kanya. Binigyan diin ni Bernos na hindi pa binabawi ng korte ang preliminary injunction, subalit meron na namang ipinila sa Korte suprema para muling ipasuri ang naging utos Ng hukuman sa Bangued Abra subalit hanggang ngayon ay hindi parin ito binabago ng hukuman.

Maliwanag aniya na nananatili parin ang injunction order na humaharang sa implementasyon ng suspension, subalit hindi ito iginalang ng ibang opisyal. Kahit ganito aniya ang piniling uri ng laban ng kanyang mga katunggali, naniniwala ito na batid ng mga Abreno ang totoong motibo ng mga taong sumisira sa kanya bilang halal na bise gobernador ng Abra.

Romeo Gonzales

Amianan Balita Ngayon