Pagdagsa ng turista sa Region 1 at Lungsod ng Baguio inaasahan sa Oktubre 1

BAGUIO CITY— Pinasinayaan ng lungsod ng Baguio kasama ang apat na lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte ang inisyan na stage ng “ridge and Reef” na siyang magtutulay sa mga magkakalapit lalawigan upang isulong ang mulingpagbubukas ng turismo sa darating na Oktubre 1, 2020.
Sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong sinabi niya na sa pamamagitan ng kanilang isinusulong na programa na “ridge and reef” na siyang magtutulay sa pagbubukas ng turismo sa lungsod at sa apat na lalawigan sa Region 1 sa darating na Oktubre 1, 2020 na kung saan ay papayagan ng syudad ang pag-akyat ng mga turista mula sa apat na lalawigan mula sa Region 1 at ganun din ang mga taga Baguio na nais magbakasyon sa region 1.
Ayon naman kay La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega III, nais niyang sa kalagitnaan ng Oktubre buksan ang mga tourist’s destination sa lalawigan ng La Union.
Samantalang si Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson naman ay sa Oktubre din niya balak buksan ang mga pasilidad sa Ilocos Sur na dinarayo ng mga turista. Sinabi naman ng tagapagsalita ni Pangasinan Governor Amado Espino III na gusto rin nil ana sa Oktubre 1, subalit kailangan muna umanong magkaroon ng unified online registration bago pahintulutan ang mga turista na pumunta sa mga tourist’s destination sa Pangasinan.
Matatandaan na ang mga lalawigan sa Region 1 ay pinahintulutan na buksan na ang kanilangmga pasilidad na pang turismo matapos na sila ay isailalim sa general community quarantine (GCQ) sa ilalim ng pamumuno ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Magalong ang “The Ridge and Reef Baguio-Region 1 travel corridor is the first tourism convergence between local governments that will serve as a model for the project”.
“We are launching the reopening of our tourism but we are delaying the implementation when tourists can enter. Region 1 provinces have some preparations to iron out and we are glad we are delaying considering the spike in cases on Sunday (Sept. 20),”dagdag pa ni Magalong.
Sinabi ni Magalong na ang lungsod ng Baguio ay tatangap lamang ng 200 turista kada araw ngunit maaring tumaas o bumaba ang bilang ng mga turisya depende sa sitwasyon ng epekto ng Covid 19 sa lunsod ng Baguio.
Ang La Union, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte ay magsisimula sa 50 na turista muna bawat araw.
“We have rules, we want the tourists to follow them. Those who will break the rules will be sent out and banned from entering the city,” Magalong said.
PNA
 

Amianan Balita Ngayon