Paghahanap ng katotohanan ng Mayor, suporta bumuhos

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpasa ang konseho ng lungsod ng isang resolusyon na nagpapahayag ng malakas na suporta ng lungsod at mamamayan kay Mayor Benjamin B. Magalong sa kaniyang paghahanap ng katotohanan at paninindigan kung ano ang tama at mabuti, lalo na sa kasalukuyang pagdinig ng Senado sa isyu ng ‘agaw bato’.

Sa Resolution no.336, series of 2019 ay ipinahayg ng pamunuan ng lungsod at mamamayan nito ang taospusong suporta sa alkalde sa kaniyang paghahanap ng katotohanan at paninindigan sa kung ano ang tama at mabuti, lalo na sa isinasagawang pagdinig ng Senado sa isyu ng ‘agaw bato’ at iba pang kaugnay na isyu na lumutang bilang resulta ng imbestigasyon

Nakasaad sa resolution na malinaw na ipinarating ng mamamayan ng Baguio ang kanilang suporta sa social media at sa pagdaraos ng isang prayer rally para sa kaligtasan at seguridad ng alkalde. Bago ito ay dumalo si Mayor Magalong sa pagdinig na tinawag ng Senate Blue-Ribbon at justice Committees ukol sa sitawasyon ng iligal na droga sa bansa, at iba pang kaugnay na mga isyu.

Sa pagdinig ay ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang iniuugnay o nabanggit sa umano’y korapsiyon na gawain sa umano’y ‘agaw bato’ na ginagawa ng tinaguriang ninja cops.S a kabila ng umano’y banta sa buhay na napaulat na kaniyang tinatanggap matapos ang kaniyang pagbubunyag sa Senado, iginiit ni Mayor Magalong na ang pagtestigo sa Senado ay may halaga, na ito ay laban sa pagitan ng mabuti at masama at kung ano ang tama at mabuti.

Ang resolution ay inaprubahan ng mga miyembro ng konseho sa isang mabilis na sesyon na tinawag para sa nasabing layunin bago ang sesyon ng naitalagang Senior Citizens Officials for A Day (SCOFAD), isang itinatag na aktibidad ng lokal na gobyerno tuwing unang linggo ng Oktubre.

Itong nakaraang Linggo ay iba’t-ibang religious groups sa lungsod ang nagtipon-tipon sa Peoples Park para sa isang prayer rally para sa kaligtasan at seguridad ng alkalde. Sa kaniyang pag-upo sa opisina noong Hulyo 1, 2016 ay inilunsad ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang agresibong anti-illegal drug campaign na nagresulta sa pagsuko ng daan-libong indibiduwal na sangkot sa pangangalakal ng droga at ang pagkamatay ng mga drug suspects na ninais lumaban sa mga awtoridad.

Sa gitna ng kampanya kontra sa iligal na droga sa bansa ay nananatili ang katotohanan na patuloy ang kalakalan at distribusyon ng mga iligal na droga dahil sa umano’y proteksiyon na ibinibigay sa mga drug suspects ng mga pinaghihinalaang korap na public officials at mga tagapagpatupad ng batas.

Iniimbestigahan ng justice department ang pagkakasangkot ng mga matataas na opisyal ng PNP sa ilang korap na aktibidad na nabunyag kaya ang problema sa droga ay nagpapatuloy na isa sa pangunahing problema sa bansa.

DAS-PIO/PMCJr.-ABN

Violators Arrested

Amianan Balita Ngayon