Ang buwan ng Oktubre ay itinakdang National Indigenous Peoples Month sa bisa ng Presidential Decree 1906 na pinirmahan ni dating presidente Gloria Macapagal Arroyo noong 2009 kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) noong Oktubre 29, 1997.
Tinutumbok ng mga kautusan at batas na ito na minamandato ng konstitusyon ang rekognisyon at proteksiyon ng mga karapatan ng indigenous cultural communities/indigenous peoples (ICCs/IPs) na nakapaloob sa balangkas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran gayundin ang Proclamation No. 486 na idinideklarang National Indigenous Peoples Day ang Oktubre 29 ng bawat taon.
At upang lalong mapalakas ang katayuan ng mga katutubo ay isinabatas na magkaroon ng representasyon ang mga katutubo sa konseho mga lokal ng gobyerno sa bisa ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR). Subalit mula nang ito ay naging batas noong 2009 ay maraming mga isyu at kuwestiyon dito na sa katunayan hanggang sa araw na ito ay nananatiling walang nakaupong kinatawan ang mga katutubo sa konseho ng Baguio at La Trinidad dahil sa kani-kaniyang petisyon at sigalot. Parehong may nakahaing petisyon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang mga tumututol sa mga napiling kinatawang ng mga kalipunan ng mga katutubo.
Nakasaad sa tuntunin ng pagpapatupad ng IPMR na iniiwan na sa mga kalipunan ng mga katutubo, mga namumuno sa mga tribo at council of elders ang pagpili ng mga kinatawan subalit sa dami ng grupo ng mga katutubo sa rehiyon ay tila lalong nagkakaroon ng problema at sigalot sa pamimili. Nasa humigit kumulang sa 1.2 milyon ang katutubo sa Cordillera at binubuo ito ng maraming mga tribo at pangkatin.
Nagiging mainit na ang pagluluklok sa mga kinatawan na katutubo dahil tila nababahiran na ito ng pulitika na taliwas sa tagubilin na dapat ay hindi partisan ang pagpili. Kahit pa isinaalang-alang ang iba’t ibang katutubong tradisyon at kultura sa pagpili kapag umiral na ang “pulitika” ay lalong magkakawatak-watak ang mga katutubo.
Dahil din dito ay hindi na magkakaroon ng tunay na representasyon ang katutubo na tanging layunin ng batas at kung patuloy ang pagkabaha-bahagi ng mga katutubo at walang maupong kinatawan ay paano na maitataguyod ang karapatan, pamumuhay at kapakanan ng mga katutubo. Baka masayang lang ang mga batas na pumapabor sa kanila. PMCJr.
October 14, 2017
October 14, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
March 29, 2025
March 22, 2025