Pagpalit ng mga hepe ng pulis sa LT, ikinainis ni mayor Salda

LA TRINIDAD, Benguet – Pangalawang-ulit ay tama na. Pangatlong ulit ay sobra na. Noong Oktubre 2018 kung saan si La Trinidad, Benguet police chief Inspector Benson Macli-ing ay walang kaabogabog na tinanggal sa puwesto na hindi natatapos ang dalawang-taon na “tour of duty” na magtatapos sana noong Disyembre 2018.

Sa panahong iyon ay nasa Japan si La Trinidad Mayor Romeo Salda para sa isang official business. Noong 2019, tinanggal naman sa puwesto si Inspector Jeoffer Banglayan matapos ang anim na buwan nang si Mayor Salda ay nasa Israel para sa isang official business trip kasama ang Department of Agriculture, Benguet at mga mayor ng Mountain Province.

Ngayon naman, ang kasalukuyang La Trinidad police chief na si Major Roldan Cabatan ay tinanggal sa panahong kararating lang ni Salda mula Malaysia.

“Upon arrival from Malaysia, January 21, we receive an order from regional director that some PNP (Philippine National Police) officers were already relieved from their post, one is Police Major Roldan Cabatan. He was assigned to Baguio City. The following day, we receive an order that Police Major Cleff Vencio was assigned as chief of police,” pahayag ni Salda.

Sa tinanggap na kautusan ay sumulat si Mayor Salda kay Cordillera police director Brig. Gen. Ephraim Dickson na humihiling ng isang short list ng mga nominado sa hepe ng pulis ng kaniyang bayan upang mapagbigyan ang local government unit sa isang masusing pag-aaral at konsiderasyon.

“This development came as a surprise to us, considering that Police Major Cabatan’s length of service as La Trinidad Cop was only seven months both in acting and regular capacity. Relative to this, we recognize anew that the PNP leadership has control over such matters, but we must likewise reiterate the recommendation of the local chief executive must likewise be given weight considering that he is tasked to maintain peace and order within his area of jurisdiction,” sinulat ni Salda.

“Every time I leave, the chief of police change,” pahayag ng halatang iritadong Salda na idinagdag na ang ginawa ay makakaapekto sa mga operasyon ng lokal na gobyerno lalo na sa mga personnel nito.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon