PAGPAPALAKAS SA MGA MANGINGISDA AT TINDERANG ILONGGO

Isandaan at tatlumpung miyembro ng Punta Lacaran Ermita Small Fisherfolks Association (PLESFA) at La Paz Market Vendors ang nabigyan ng pagkakataon na palakasin ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng oryentasyong ibinigay ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano at ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvan taged/Displaced Workers program ng Department of Labor and Employment (DOLE TUPAD). Ginanap ang oryentasyon noong Martes, June 18, 2024, sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Barangay Ermita at
Zamora-Elliza sa Municipalidad ng Dumangas at Lungsod ng Iloilo. Nagbigay ito sa mga mangingisda ng PLESFA at La Paz Market Vendors hindi lamang ng mahahalagang gabay sa kanilang propesyon kundi pati na rin ng suporta sa komunidad mula sa kanilang sariling barangay.

Amianan Balita Ngayon