PAGSASAMANTALA TUWING MAY TRAHEDYA

Tuwing may trahedya…bakit kaya sumasabay ang PAGSASAMANTALA? Ito ba’y kalakalang-pantao o gawa ng tao? Kasi nga naman…dahil sa kahinaan ng pananampalataya noon nina Eva at Adan…natalo sila sa pagsasamantala ng demonyo. Noong panahon na ibinigay ng Panginoon ang kanyang sampung kautusan, ginawang piyesta ng mga taong walang paniniwala ang naturang okasyon at nagbunyi para sa kanilang luho at maling pananampalataya. Ang mga pangyayaring ito ay namana ng salinlahi ng mundo hanggang sa ngayon.

At bago sa ilang mga daplis hinggil dito, tayo’y nakikiisa sa mga nagtitika at nagngingilin sa pagsisimula ng Mahal na Araw sa pamamagitan ng Ash Wednesday. Panagbenga 2023 sa Baguio
City… Hataw na. PMA Alumni Homecoming, Pluvial Parade sa Burnham Lake, Street dancing
Parade, Float Parade at iba pa. Konsiyerto ni Andrew E at Tambalang Saya at Sagip Buhay ng E-Carta Media Productions (Feb. 24). Salamat sa mga bisita at muling nabigyang-sigla na tradisyonal na okasyon. Paala-ala sa ating mga kababayan… . huwag magsam ant ala…huw ag manlamang para sa sarili mong kapakanan.

Sa mga negosyong gustong makabawi…maging makatao sana ang ating serbisyo. Pagmamahal at
respeto sana ang pairalin. Mga trahedya sa daan, taon na ang nakaraan….may mga aksidente at marami ang namatay. Ang masakit, sa halip na tulungan ang mga biktima, may mga nagsamantala pa. Agaw-buhay na nga, ninakawan pa . Noong tinamaan tayo ng Killer Quake ….sa ayuda pa lang, may mga nagsamantala na. Mga imported na kumot, de-lata at iba pa, napapalitan ng lokal sa
pamamagitan ng mga hayok sa ayuda. Sa halip na tumulong, bituka muna nila ang inuna.

Sa nangyaring lindol naman sa Turkey at Syria…di pa rin tapos ang kanilang tinamong trahedya dahil kamakailan, tinamaan na naman sila ng magnitude 6.4 na lindol at may mga namatay. Ayon
sa huling mga ulat, nakasuhan na ang mga negosyanteng nasa likud ng pagpapatayo ng mga gusaling nagiba dahil hindi sumunod sa Building Code. Sila ang mga taong nagsamantala upang kumita at di alintana ang ibubunga ng ginawa. Isa pang uri ng pagsasamantala ay ang pag-ambush sa dalawang sundalo na kasapi ng Cessna rescue team sa may Albay.

Bumibili ng kanilang babauning pagkain sina Private Adalin at Pvt. Esico nang pagbabarilin ng miyembro ng Communist Terrorist Group. Ayon sa 31st IB ng army, sinamantala ng mga terorista ang pagkakataong yon. Hindi alintana ang misyon ng mga sundalo na magsalba sana ng buhay sa mga sakay ng Cessna na bumagsak sa may bulkang Mayon. Eksena pa rin ng pagsasamantala na karumaldumal gaya ng nagaganap tuwing may sunog. Habang tulong-tulong ang marami sa pag-apula ng apuy…may mga tao ring nagnanakaw sa mga nasusunog na bahay sa halip na tulungan ang mga biktima, pinagsasamantalahan pa.

Sabagay, hindi na lingid sa madla ang maraming uri ng pagsasamantala sa ating lipunan. Sa negosyo at iba pang serbisyo, laging may mga pagsasamantala gaano man kaingat ang ating mga
kalahi. Mabuti na lang at sa nasisilip na pagmamalabis at paglabag sa batas…ay may napaparusahan. Dalangin natin, sana walang takipan at pairalin ang hustisya sa legal na paraan. Mga nagkukunwaring BANAL ….sana magbago kayo at tanggapin ang Tamang Landas habang may
panahon pa. Adios mi amor, ciao, mabalos.

MY PANAGBENGA

CHANGE THE LAW

Amianan Balita Ngayon