PAGTAAS NG TURISTA SA BUWAN NG PEBRERO INAASAHAN – BFFFI

BAGUIO CITY

Inaasahan ang dobleng pagtaas ng pagdating ng mga turista sa darating na buwan ng Pebrero na kung saan ay ipinagdiriwang ang taunang Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ito ay ayon sa Baguio Flower Festival
Foundation Inc. Sa taong ito ang Panagbenga 2025 ay nasa ika-29 edition na may katagang “Blossoms Beyond
Boundaries”.

Ayon kay Panagbenga Media Committee Chair Andrew Pinero, “ since the staging of the 74th January Fil-Am Invitational Golf Tournament in late November up to the middle of December last year, the Baguio Country Club (BCC) and other hotels in the city had realized 90 to 95 percent occupancy rate which is already considered high in the industry as there were only a few rooms that were vacant due to sudden cancellations from guests due to various reasons”.

Dagdag pa ni Pinero na sa unang quarter ng taon ang occupancy rate ng mga hotels at iba pang accommodation sa
mga establishment ay umabot na sa 80 hanggang 90 na porsiyento at lahat ng ito ay nasa tamang standard na ayon sa ipinapatupad ng tourism guidelines. Ani Pinero di pa man natatapos ang buwang ito ay halos marami ng mga hotel ang fully booked na kung saan ay pagpapatunay lamang na marami ang turistang aakyat sa pagdiriwang ng 29th Panagbenga festival.

Ang street dancing ay gaganapin sa Pebrero 22, 2025 at ang grand floral parade ay sa Pebrero 23,2025 na susundan naman ng week-long Session Road in Bloom mula Pebrero 24 hanggang Marso 2, 2025. Mayroong inihandang 18 traditional na event ang BFFFI na ikamamangha ng mga manunuod ani Pinero ang opening ay mula Pebrero 1 hanggang sa buwan ng Marso 2, na may theme “Blossoms Beyond Boundaries.’ Sinabi rin Pinero na mayroong sapat na accommodation ang mga turista na darating sa Baguio sa darating na selebrasyon ng Panagbenga 2025 .

Dexter A. See/Baguio-PIO

Amianan Balita Ngayon