Pagtalon sa iba’t-ibang partido, uso-uso lang

Editorial

Ang paglipat-lipat ng partido ay gumatong sa pag-angat ng mga monolitiko o dambuhalang partido na nagdomina sa ilang administrasyon sa nakalipas na tatlong dekada – mula sa Kilusang Bagong Lipunan sa ilalim ni Ferdinand Marcos, hanggang sa Laban ng Demokaratikong Pilipino sa panahon ni Corazon Aquino, sinundan ng Lakas-NUCD-UMDP (Lakas-National Union of Christian Democrats-Union of Muslim Democrats) na itinayo ni Fidel Ramos, ang Laban ng Masang Pilipino ni Joseph Estrada, ang Kabalikat ng Malayang Pilipino-Kampi ni Gloria Macapagal Arroyo at ang Liberal Party sa ilalim ni Benigno Aquino III. Noong 2016 ay lumobo ang mga miyembrp at kaalyado ng PDP-Laban sa mahigit 300 upang makabuo ng isang “supermajority” sa Kamara.

Ang pambihirang pangyayaring ito ng biglaang pagtatayo ng partido ay madaling ginawa ng pagbuo ng koalisyon at lansakang paglipat-lipat ng partido. Sa ngayon ay marami pang naidagdag na mga bagong partido na nakikipag-sanib sa mga dati at bagong partido.

Ang introduksiyon ng isang terminong limitasyon para sa pag-upo ng presidente sa ilalim ng 1987 Constitution ay bumuwag sa legislative party system kaya ang mga kandidato sa lehislatura ngayon ay malamang na sumanib sa pinakamalakas na kandidato sa pagka-pangulo sa pamamagitan ng paglipat ng mga partido.

Ang kawalan ng isang kasalukuyang nakaupo na nagnanais na muling mahalal, isama pa ang mahinang katapatan sa partido ay nagsisilbi bilang pagganyak para sa potensiyal na tumatakbong pangulo upang maglunsad ng mga bagong partido at akitin ang mga kandidato sa lehislatura na magpalit ng mga partido na may pangako ng mabilis na pagkakaroon ng pagtangkilik.

Ang paglitaw ng pagpapagalaw sa pangkaraniwang kontra sa mga elitista ay nakatulong sa mas lalong paghina ng partidong pulitika gayundin ang pagbabago ng mga puwersa sa Pilipinas.

Ito ay napatunayan sa pagkakaluklok kay Rodrigo Duterte bilang Pangulo at ang halalan noong 2019 ay ipinahiwatig ang pagbabago mula pagtangkilik tungo sa paggalaw ng pangkaraniwang mamamayan na maaaring tawagin na paglipat mula sa isang lumang nausong pangkatin ng pagkapangulo sa iang bagong nauusong pangkatin ng tumatakbo sa pagka- Pangulo.

Sa una, ang paglulunsad ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Sara Duterte-Carpio noong 2018 ay pagpapahiwatig ng kaniyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 na sumusunod sa yapak ng kaniyang ama at malamang na sasandal si Sara sa paggalaw ng karaniwang mamamayan.

Dahil sa mga pagbabago ng mga pangyayari ay humantong siya sa pagka-Pangalawang Pangulo na tila mas lalong titibay dahil nakipag alyansiya siya kay Bongbong Marcos na patuloy na nangunguna laban sa ibang kandidato at tila inangkin na ang tango ng karaniwang mamamayan, patunay ang kabi-kabilang dinadagsang caravan.

Maaaring ang lokal na eleksiyon ay base pa rin karamihan sa pagtangkilik, subalit ang pambansang halalan ay hindi na siguro mapapanatili ng tradisyunal na parokyano at kliyente na kawing o network.

Ito ay dahil sa patuloy na likas na personalista ng pulitika sa Pilipinas at ang paggalaw ng karaniwang mamamayan ay sisikat sa mga hinaharap na halalan.

Palatandaan ito sa pagsulpot ng isang uri ng demokrasya ng karaniwang mamamayan kung walang mangyayaring pagkakaroon ng comprehensibong pulitikal at elektoral na reporma.

Dapat na ginagawa ng mga partido pulitikal ang mahalagang trabaho ng pagpili ng kandidato, pagbuo ng liderato, pagsama-sama ng interes at pagbuo ng agenda. Subalit sa ating bansa, ang mga partido ay mailalarawan bilang mga pansamantalang alyansiyang pulitikal.

Humahanga pa ang ilan sa pagsasabing walang totoong partido sa bansa at ang mayroon tayo ay samahan ng mga tagahanga ng mga pulitiko. Ito ay kalimitang isinisisi sa ating mga pulitikong lider at mga pulitiko at kanilang walang-kakayahang lumagpas sa kanilang ambisyong pulitikal at pansariling mga interes.

Minsan ay masisisi rin ang mga tao sa hindi pakikilahok sa pulitikang partido at sa hindi pagboto ayon sa kinaanibang partido. Sinasabi pa ng mga eksperto na ang kakulangan ng oriyentasyon sa ideolohiya ng mga partido pulitikal ay dahil sa mga pulitiko na kumikilos ng gaya ng ikinikilos nila dahil hindi bumoboto ang tao ayon sa mga plataporma o programa ng partido.

Ito ay naging isang masamang siklo-isang sisihang laro na nagbibigay ng walang agarang pagpipiliang aksiyon para ipatupad ang pagbabago. Ang baguhin ang ikinikilos ng mga pulitiko at gawin silang sumusunod sa partido ay pangarap lamang gayundin ang baguhin ang pananaw ng tao sa mga partido pulitikal.

Ngunit ang puwang sa ideolohiya ay nagmumula sa isang mas malalim na dahilan; kaya ang pag-uutos ng isang direktiba na pilitin ang mga partido na tanggapin ang isang ideolohiya na kanilang napili ay hindi gaanong makakatulong- sa ngayon.

Samantala ay harapin natin anuman ang mangyayaring pagbabago sa darating na pagpili ng tao ng bagong mamumuno sa atin at sa ating bansa, na iisa lang marahil sa ngayon ang ating mahihiling…sana ay tama ang mailuluklok para sa inaasam na tunay na pagbabago at pagunlad.