PAGTATALAGA NG SIMPLENG PROSESO NG BUILDING PERMIT MAS DUMAMI ANG APLIKANTE

BAGUIO CITY

Dahil sa isinagawang pagkakaroon ng mas simpleng proseso ng pagkuha ng building permit mas dumami ang aplikante sa taong ito kaysa noong 2022. Ito ay napag-alaman kay City Building Official Arch. Johnny Degay na kung saan ay gumawa sila ng mas simpleng proseso sa pagkuha ng building permit ito ay upang mahikayat ang mga nagnanais na magtayo ng gusali sa lunsod na mas
“simple na ang proseso “ sa pagkuha ng building permit.

Aniya dahil sa ginawa nila na mas madali na ang pagkuha ng building permit ay may 25 na residente ng Baguio ang agad na tumalima sa pagkuha ng kanilang building permit at ito ay nairekord noong Enero 31 2023. Ayon pa kay Degay ,”The streamlined procedure was specifically for owners of existing and completed structures on titled properties or with order of award from the
Dept. of Environment and Natural Resources (DENR)”.

Ipinaliwanag din ni Degay na ang paraan ng pagkuha ng building permit ay kailangan na ang may mga may-ari ng gusali o existing structure ay may kaukulang titulo o kaya may “order award na galing sa DENR ay maari nang magbigay ng kanilang aplikasyon o irehistro na sa link na ito tinyurl.com/ 4jwcz2fj. Nakahanda rin na umalalay ang tangapan ng CBAO sa mga aplikante na gagamit sa nasabing link na naayon sa batas sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o ang tinatawag na “ The ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018”. Sinabi rin ni Degay na ang “ streamlined process is pursuant to Memorandum No. 1 series of 2022 on Applications for Building Permits under Specific Circumstances adopted for the purpose”.

Aniya ito ay isa sa mga program ni Mayor Benjamin Magalong na iniutos niya na hikayatin ang mga may ari ng gusali na wala pang building permit na magpa register na upang maging legal na ang
kanilang mga gusali at upang magkaroon din aniya ng kapanatagan ang mga renters ng mga gusali.Napag-alaman din na may 80,000 structure o gusali sa Baguio ang walang building permit base na rin sa isinagawang imbentaryo ng lokal na pamahalaan sa ibatibang barangay sa lunsod.

Aileen P.Refuerzo

Amianan Balita Ngayon