LUNGSOD NG BAGUIO – Isinugod sa ospital ang isang negosyante matapos itong pinagbabaril ng kausap na kapwa negosyante dahil sa hindi pagkakaunawaan dakong 12:30pm noong Setyembre 12, 2018 sa AYU Building, Lower Magsaysay, Baguio City.
Sa ulat ng pulis ay kinilala ang biktimang si Ronald Lee Tan, 34 anyos, negosyante at residente ng Brent Road, Upper General Luna Street, Baguio City habang ang suspek ay si Mark Janssen Cu, nasa legal na edad, at negosyante.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima at suspek ay nag-uusap nang nagkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo na humantong sa paglalabas ng suspek ng baril nito at pinagbabaril ang biktima.
Tumakas ang suspek patugong Upper Magsaysay habang ang biktima ay isinugod nina Kenworth Go Chan at Irvin John Tan sa Baguio General Hospital Medical Center kung saan isinailalim ito sa operasyon.
Sa pagresponde ng mga tauhan ng Station 2 at ng SOCO team ay narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol at nakita ang dugo sa sahig. Kasalukuyang tinutugis ang suspek.
September 19, 2018
September 19, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025