Pagtugon ng lungsod sa COVID-19 hihigpitan

Iniutos ni Mayor Benjamin B. Magalong ang muling pagtatakda ng lockdown tuwing Linggo simula Agosto 2.
Ito ay dahil sa isang biglang pagtaas ng transmisyon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), karamihan sa mga taong nasa pangangalakal kabilang ang mga empleyado ng bangko, drivers, at vendors at iba pa.
Inihayag ni Mayor Magalong sa flag-raising program sa City Hall, tatlong linggo ang nakakaraan, may kapansinpansin na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ang pagbulusok depensa niya ay nananawagan ng muling pagpapairal ng Sunday general lockdown, mas mahigpit na pamamahala sa mga border at mas maigting na pagpapatupad ng 10 pm hanggang 4 am na general curfew.
Sinabi ng Mayor na sa ilalim ng bagong utos niyang lockdown, papayagan lamang ang mga residente na lumabas ng kanilang bahay una kung sila ay frontliners; tumutulong sa medical emergencies; kasama sa regulated wellness activities; at kung kabilang sila sa special sectors.
Pinapayagan ang mga senior citizen at mga may kapansanan sa labas ng kanilang bahay tuwing Linggo. Subalit kinansela ng Mayor ang naunang mga pribilehiyo na napalawig sa mga taong mas mababa sa 21 ang edad.
Dagdag pa ng Mayor na ang mga lockdown sa mga barangay na may mga kaso ng COVID-19 ay mahigpit na ipapatupad para sa contact tracing ng pasyente.
Ang polisiya sa Sunday lockdown ay mahigpit na ipinatupad habang ang lungsod ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Nagpatuloy ang polisiya hanggang sa pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ).
Naalis ito nang lumipat ang lungsod sa modified GCQ noong Hunyo.
Samantala ay pinahupa ni Mayor Magalong ang takot na ang pagbulusok ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay dahil sa kaluwagan ng kontrol sa mga hangganan.
Ipinaliwanag niya na ang pagtaas ay resulta ng expanded testing sa mga frontliners at sektor na ang exposure sa ibang tao ay natural na bahagi ng kanilang negosyo o kalakal.   Kaugnay nito ay inihayag din ni Mayor Magalong ang agresibong disinfection sa pampublikong merkado at mga lugar na laging pinupuntahan ng mga residente.
Sinabi niya na nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod sa Liga ng mga Brangay para sa implementasyon ng dalawang beses o tatlong beses kada linggo na paglilinis at disinfection sa satellite markets sa mga barangay.
Nakapagsagawa na ang lokal na gobyerno ng isang tatlong-araw na disinfection sa pampublikong merkado.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon