PAKITUNGUHAN ANG IBA KUNG PAANO MO NAIS NA IKAW AY PAKITUNGUHAN NILA

Ang isang matalinong tao ay nagsabi na ang tao na naghahanap ng mga kamalian ng iba ay katulad ng isang langaw –
ito ay dumadapo lamang sa bagay na sira o bulok. Ang ilang tao ay may sakit o dinapuan ng salitang ” subalit ” sa
bawat oras na banggitin mo ang isang tao sa kanila , sila ay magsasabi ng ilang bagay na kasam sa mga linya ng siya ay mayroong ilang kabutihan sa kanya , subalit … ang sumusunod sa subalit ay lagi ng pamumuna , paninisi at pamimintas .

Sinabi ng allah sa banal na quran : Kasawian sa kaparusahan ang bawat makakating dila na naninirang
puri at yumuyurak sa kalikuran . Quran 104 : 1 ( … na mapanglait , nanagpapalibut – libotat nagkakalat ng mga salitain ( tsismis o satsat ) quran 68 : 11 ( gayundin ay huwag kayong magpamalas ng paninira sa talikuran sa isat isa . Quran 49 : 12 Kung tayo ay higit na magiging makaturangan sa iba , higit na magiging malaki ang kanilang pag-galang sa atin . Ang kabaligtaran ay totoo rin .

Walang matalinong tao ang mag-iisip na kanyang makakamit ang pag-galang at papuri ng iba sa pamamagitan ng pagmamaliit o pag-iisang tabi sa kanila . ( kasawian sa mga mandaraya na nagbibigay nang kulang sa sukat at timbang ) Quran 83 : 1

MAGING MAKATARUNGAN

Maging makatarungan sa iyong mga kaibigan at tawagin mo sila sa pangalan na labis nilang nagugustuhan , huwag gumamit ng mga palayao na kanilang kinamumuhian , gusto mo ba kung ito ay gagawin g iba sa iyo? Maging makatarungan sa iyong maybahay , gaano ba kadalas ito para sa ibang babae , na matapos ang buong araw ng pagluluto , pagpupunas At paglilinis , ang kanyang asawa ay umuuwi ng bahay na bulag sa kanyang mga pagsisikhay?

Ang kanyang pagwawalang bahala ay higit na nakakagawa ng pinsala kaysa sa anomang salita na makagagawa na madama niya ang pagiging kulang at hindi pinapansin . Kaya’t magbigay ng atensyon sa iba at pasalamatan sila sa anumang mabuti na kanilang ginawa . Purihin ng hitsura ng iyong maybahay kung siya ay nag-ukol ng oras upang maging maganda para sa iyo at pasalamatan siya sa kanyang araw-araw na debosyon o pagsisilbi sa iyo .

FILE A CASE ALREADY

THE HEART OF TEACHING

Amianan Balita Ngayon