PAMPASABOG, NADISKUBRE SA INABANDONANG KAMPO NG CTG SA MOUNTAIN PROVINCE

BESAO, Mt.Province

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa
kampanya para wakasan ang Local Communist Armed Conflict, natuklasan ng Mountain Province Police Provincial Office ang isang abandon Communist Terrorist Group (CTG) na kampo sa Besao , Mountain Province noong Oktubre 15.

Batay sa ulat na isinumite sa Regional Director, PBGEN DAVID K PEREDO, JR, ang abandonadong CTG encampment ay nadiskubre ng magkasanib na mga operatiba ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force
Company (PMFC) at Besao Municipal Police Station sa kahabaan ng kagubatan sa Sitio Mapao , Brgy. Gueday, Besao
habang nagsasagawa sila ng malaking Internal Security Operation sa lugar.

Mula sa nasabing kampo, nakuha ng mga operatiba ang sampung piraso ng Ammonium Nitrate–Fuel Oil sa ice candy wrappers, anim na piraso ng Improvised Explosive Device (IED) container, apat na pirasong dynamite sticks, isang IED grenade, subersibong dokumento, at iba pang personal na gamit. Matapos ang dokumentasyon, lahat ng  itinurn-over sa Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit ng Mountain Province, habang ang iba pang
mga narekober na materyales ay nasa kustodiya ng 1st Mountain Province PMFC para sa tamang disposisyon. Samantala, patuloy na hinahanap ng operating troops ang mga katabing lugar ng kampo para sa posibleng
pagbawi ng iba pang IED.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon