LUNGSOD NG BAGUIO – Nagkasundo ang mga student leaders at kinatawan ng iba-ibang higher education institutions sa lungsod upang gumawa ng isang kapaki-pakinabang sa bawat isa na academic break sa buong lungsod sa loob ng susunod na dalawanbg linggo upang tumulong na tugunan ang stress at mga mental na isyu na kinakaharap ng mga apektadong stakeholder sa kasalukuyang ipinapatupad ng flexible learning.
Ang kasunduan ay narating ng mga student leaders at pamunuan ng mga paaralan sa isinagawang konsultasyon na ipinatawag ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong, Councilor Vladimir Cayabas at Councilor Llevy Lloyd Orcales.
Gayunman, ang panukalang academic break ay magiging depende sa school calendar ng bawat isa sa mga higher education institution dahil bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng mga klase, maliban sa katotohanan na ang panukalang pahinga ay magiging bahagi ng kanikanilang school calendar sa darating na mga taon.
Bago nito, ang mga student leader mula sa iba-ibang higher education institutions sa lungsod ay nagsagawa ng isang seremonya sa pagsisindi ng kandila sa harap ng Saint Louis University (SLU) upang ipabatid ang implementasyon ng isang academic break sa buong lungsod kasunod ng diumano’y stress at mga mental isyu kinaharap ng mga estudyante sa pagpapatupad ng flexible learning.
Sa kanilang bahagi, sinabi rin ng mga kinatawan ng teaching at non-teaching employees ng mga paaralan na hindi lamang mga estudyante ang nahihirapan sa stress at problemang mental dahil sa kanilang bigat ng trabaho, kaya, ipinahayag nila ang kanilang lubos na suporta sa implementasyon ng academic break kahit sa pang-bawat paaralan na batayan para sila ay maibsan ng kanilang pagod at iba pang mental na isyu.
Nagkasundo ang mga student leader at school heads na magkasamang magtratrabaho para tiyakin ang pinaka-angkop na panahon upang ipatupad ang panukalang academic break sa kanikanilang paaralan upang mapigil ang pagkakaroon ng isyung mental na maaaring makompromiso ang kapakanan ng mga estudyante at makaapekto sa inahe ng mga paaralan bilang tagapangalaga ng mga lider sa hinaharap.
Binigyan-diin ni Mayor Magalong ang pangangailangan na yakapin ng mga kinauukulang stakeholder ang katatagan sa akademya at pagtutulungan na epektibo at mabisang pagtugon sa mga isyu ng mental na kinakaharap ng mga estudyante na nag-udyok sa kanila na manawagan ng isang academic break.
Nanawagan siya sa mga kinauukulang partido na magkaroon ng isang consensus na nagtataguyod ng pag-kakaisa sa canpus at pagkakasundo upang tumulong sa pagpapanatili ng mga natamong pakinabang sa umiiral na flexible learning bilang bahagi ng pakikialam ng gobyerno na ipagpatuloy ang paghahatid ng de-kalidad na edukasyon.
Ikinokonsidera din ng mga kinauukulang stakeholder ang mga panukala ng ialng sektor para sa napapanatiling implementasyon ng non-academic activities na makakahikayat ng aktibong partisipasyon ng mga estudyante na magbibigay ng ibang mga aktibidad upang mabigyan sila ng pahinga mula sa tambak na iskedyul ng pag-aaral.
Ang panukalang pagsasagawa ng non-academic activities ay gagawin sa panahon ng academic break bilang bahagi ng mga requirement na ipinapatupad ng mga paaralan.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)
November 6, 2021
July 5, 2025
July 5, 2025
July 5, 2025