Panagbenga Festival tuloy na sa Marso

BAGUIO CITY – Nakatakdang ilunsad na sa Marso 1, ang kinasasabikang Panagbenga o’ Baguio Flower Festival na may temang “Let Hope Bloom”, pero magiging limitado lamang ang mga events at wala ang crowd drawing event na grand opening, streetdancing at flower floats parade.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong na nakipag-pulong na siya sa mga opisyales ng Baguio Flower Festival Foundation (BFFFI) kamakailan para sa 2022 version ng Panagbenga Festival at naka focus lamang ito sa landscapes, heritage and cultural creativity.
Aniya, tuloy ang landscape events na ang mga organizers, participants at spectators ay kinakailangang sundin ang minimum public health standards (MPHS) at wala umanong papayagan na pagtitipon.
“Ino-open na natin ang Baguio City, pero andon pa rin ang requirements natin for entry ng ating mga bisita, pero magaan na ngayon, kasi wala ng antigen test na manggagaling sa Alert Level 2, kaya freely umaakyat na sila.Sa ngayon nga nasa 5,000 daily ang tourist arrival natin and expecting next week dahil long week-end ay madadagadagan pa ito,” pahayag ni Magalong.
Ayon kay Magalong, sa resigstration natin ay mahigit sa 10,000 ang nagbo-booking.
“Sa ngayon hindi muna naming nilalagyan ng limit, dahil tinitignan naming kung hanggang saan pwede naming ma-determine ang threshold at tinitignan naming sa ngayon ang traffic situation, pagsunod sa minimum health protocols sa malls, market at iba pang crowded areas at nakikita naming na very mangeable pa.”
Aniya ang portal na baguio.visita.com.ph na siyang ginagamit sa registration ng visitors ay ibinigay na sa Baguio Toursm Council, na siyang mamamahala ngayon sa pagtanggap ng bisita.
“Hindi na naming kayang isustain ito, because of the cost at napakaganda naman ng partnership natin with BTC. So it will now become a visita travel application, na siyang bagong portal na gagamitin ng mga bisita bago makapasok ng siyudad.”
Ayon naman kay Anthony de Leon, napagkasunduan ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. at ng city government na “tone down” muna ang mga major events ng Panagbenga, upang matiyak na masunod ang minimum health protocols, habang nasa panahon pa ng pandemya.
“Sa ating Panagbenga ngayon, hindi natin maasahan na gaya ng dati ang dating ng turista, pero masaya na tayo dahil kahit papaano ay maisasagawa natin ito sa kabila ng pagkawala nito ng dalawang taon dahil sa COVID. Kahit mag-open tayo, hindi ibig sabihin na nagre recover na, what we have right now is when open the tourism again, we try to revive it, it means were learning to stand up again and come up again with new ideas, new ways of doing things in this new normal.”
Ayon pa kay De Leon, magkakaroon lamang ng dalawang dancing performance na magaganap sa Melvin Jones at very limited sa mga manonood.
Ang kabuuang mga tradisyunal events para sa selebrasyon ng Panagbenga 2022 ay ilulunsad sa Marso 1.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon