Nakaambang usisain ng Konseho ng Baguio City ang pagkamatay ng 51 pino sa barangay Pucsusan na kasalukuyang tinatayuan ng
condominium ng SMI Development Corporation. Higit pang 40 pino ang pinangangambahang tuluyang mamatay dahil sa tuloy-tuloy na
earth-moving at iba pang aktibidad pang-konstruksyon sa lugar. Subalit tinuldukan na ng Department of Environment and Natural Resources-Cordillera (DENR-CAR) na walang illegal tree-cutting sa lugar, kundi nagkamatay ang 51 puno dahil sa natabunan ng natabunan ng lupa ang mga ugat ng pinon a dahilan ng pagkamatay nito.
Maselan ang pino. Kapag nasakal ang paghinga nito, kasama na ang mga ugat, unti-unting matutuyo hanggang mamamatay ang puno.
Hindi ba kataka-takang nagawaran ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at clearance mula sa Protected Area Management Board ang proyekto ng SMI Dev’t Corp. kahit ang proyekto’y nasa Multi-Use Zone ng Lower Agno Watershed Forest Reserve? Paliwanag ng DENR, ang Baguio City daw ang may saklaw sa isyu gayong may Environmental Code ang syudad na sinusunod.
Mabuti’t nagbaba na ng Baguio City Environment and Parks Management Office (CEPMO) ng stoppage order at notice of violation. Sana’y
hindi lamang hanggang plano, kundi mauwi sa kagyat na pagsasakdal sa SMI Dev’t Corp. sa paglabag nito sa Baguio City Environment Code. Hangarin ng taumbayan na hindi matulad ang isyu sa sa paglapastangan sa kapaligiran sa Pucsusan sa 81 pino na nangamatay sa pagtatayo ng condominium at ospital sa panulukan ng Legarda Road ilang taon na ang nakakaraan.
Binudburan ng kemikal na nakakamatay ang ilan, pinakuan naman ang iba. Tila nabaon na sa limot ang isyu sa Legarda Road, gaya rin sa nakalimutang 182 pinong naapektuhan, pinutol at “in-earth ball” sa expansion ng SM Baguio sa Luneta Hill. Kahalintulad din sa ‘massacre’ ng 700 pino sa 3,114 ektaryang Mt. Sto. Tomas Forest Reserve sa Tuba, Benguet noong 2014 na sa kabila ng paggawad ng
Supreme Court ng Permanent Environment Protection Order (PEPO), ay malaya pa rin ang mga salarin na tila walang paglabag sa batas at kalikasan.
March 15, 2025
March 16, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025