“PANAGUTIN ANG UTAK AT GALAMAY NG F2M AGRI-FARM OPC SCAM”

Kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang rehistro ng Farm to Market (F2M) Agri-Farm OPC dahil wala itong kaukulang lisensya upang manguha ng investments katulad ng mga nauna nang nag-scam sa
napakaraming Pilipinong umasang lalago ang pera. Ang F2M Agri-Farm OPC at mga sangay nitong F2M Tarlac City-Main Branch, F2M, F2M Paalaga System, Hog Raising Business, F2M Tuguegarao Branch, F2M Dagupan, F2M La Union Branch, F2M Lagawe, Ifugao, F2M-Solano Nueva Viz. Branch and F2M Tayug ay nakapanloko sa pamamagitan ng F2M 3 Months Paalaga System.

Nakapanloko ang utak at mga galamay ng F2M Agri-Farm OPC sa sistemang pang-eeganyong bumili ang isang biik sa halagang P5,000 sa pagpapangakong babalik ito ng P7,600 matapos ang 3 buwan o 30% (return on investment
less 5% service charge). Kung ang investor ay kukuha 20 biik sa P100,000, ipinangakong tattanggap ng P152,000 matapos ang 3 buwan. Ayon sa SEC, malinaw na isang Ponzi Scheme ang sistema ng F2M Agri-Farm OPC katulad
ng mga nauna nang kahalintulad na mga iskema kung saan ang mga kita o pay-outs ay manggagaling sa mga papasok na mga “investments ng investors, hindi sa isang lehitimong negosyo.

Noon Abril ng nakaraang taon nag-abiso sa publiko ang SEC at inisyuhan pa ito ng “Cease-and-Desist-Order”
noong Agosto ang F2M Agri-Farm OPC at mga sangay nito upang tumigil sa paglikom ng investments. Malinaw sa batas na gumagabay sa mga inirerehistrong korporasyon sa bansa na bawal ang paglikom ng investments ng walang
kinuukulang lisensya mula sa SEC. Bukod sa kautusang magbayad ang F2M Agri-Farm OPC ng administrative fine na P1 million, pati ang mga incorporators and nominee nito, dapat panagutin din ang utak at mga galamay nito sa kanilang panlilinlang sa mga “investor” upang hindi na pamarisan. Hangga’t hindi napapanagot at mga katulad ng
utak at galamay ng F2M Agri-Farm OPC at hindi nakukulong at napaparusahan, hindi matitigil ang pang-i-scam sa
mga kawawang nalilinlang na taumbayan.

Amianan Balita Ngayon