PANGASINAN COPS NAKALAMBAT NG 3 DRUG PUSHER

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, La Union Nalambat ng mga tauhan ng Pangasinan Provincial Police Office, ang tatlong drug suspek, na kinabibilangan ng isang high-value at dalawang street level individual, na nakuhanan
ng baril at hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P471,240.00 sa magkakasunod na operasyon . Sa ulat, isang high-value target, na kilala bilang “Nanay,” 67, residente ng Urdaneta City, Pangasinan, ay nahuli sa Barangay Tomana West, Rosales, Pangasinan ay nahuli ng magkasanib na operatiba mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 1 (RPDEU1), Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1 (RID PRO1), Philippine Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 1 (PDEG SOU1), PDEA Pangasinan, PIU Pangasinan, PDEU
Pangasinan, at Rosales Municipal Police Station (MPS), sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1, noong gabi ng Hunyo 19.

Nasamsam sa suspek ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, na naglalaman ng
apat na heat-sealed transparent plastic sachet. Nagsagawa din ng buy bust operation ang Villasis Municipal Police Station (MPS), kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO) at sa koordinasyon ng PDEA RO1 sa Barangay Barraca, Villasis, Pangasinan, noong Hunyo 20. Target ng operasyon ang
street-level drug activities, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal, na isang 34-anyos na driver at isang 39 anyos na pintor mula sa San Jose Del Monte, Bulacan . Nakuha sa mga suspek ang 9.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P63,240.00 mula sa siyam na heat-sealed transparent plastic sachet. Nakumpiska rin ang isang caliber .38 revolver na may mga bala.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon