Pangasinan hinigpitan ang border control checkpoints sa gitna ng bagong variant

Mahigpit na minomonitor ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga baybaying lugar ng probinsiya ng Pangasinan kung saan dumadaan ang mga banyagang sasakyang pandagat sa gitna ng banta ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) na Omicron.
Sa isang panayam sa radyo noong Miyerkoles ay sinabi ni Provincial Health Office (PHO) chief, Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman, na ang crew ng mga banyagang barko ay maaaring tumigil sa mga baybaying lugar upang palitan ang kanilang logistics, gaya ng pagkain at tubig.
“We are tightening border control checkpoints particularly to these coastal areas such as Sual town where foreign come and go to unload coal in the power plant, as well as in Infanta and Dasol towns where they pass through,” aniya.
Ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito ay resulta ng isang pagpupulong kasama ang technical working group ng Provincial IATF noong Lunes kasunod ng ulat sa presensiya ng Omicron sa South Africa.
Gayunman, niliwanag ni De Guzman na wala pang kautusan mula kay Governor Amado Espino III sa pagbabalik ng Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) bilang isang requirement para sa mga papasok ng biyahero sa Pangasinan.
“What they check at the borders are vaccination cards and government-issued identification cards,” aniya.
Sinabi ni De Guzman na umaasa ang local task force na ang mga hakbang na nakalatag sa mga airport at seaport sa bansa ay sasapat upang
mapigilan ang pagpasok ng Omicron sa Pilipinas at sa probinsiya.
“There is a big possibility that the overseas Filipino workers and the balikbayans from countries with active cases of Omicron might bring it to the country but we hope it will be prevented,” dagdag niya.
Sinabi ni De Guzman na pinagsisikapan ng probinsiya na lalo pang itaas ang vaccination rate upang makamit ang proteksiyon ng populasyon.
“We are averaging at 2,000 to 3,000 vaccines administered daily in connection to the national vaccination days. We are almost at 70 percent for the first dose while the local government units will continue to inoculate as much as possible even after the national vaccination days since the Department of Health has assured us that Pangasinan will have sufficient vaccines for the residents,” aniya.
Idinagdag niya na may sapat ding suplay ng logistics, gaya ng hiringgilya, alinsunod sa pagpapalakas ng pagbabakuna.
Samantala ay sinabi ni De Duzman na ang Alert Level 2 status ng Pangasinan ay dapat manatili dahil sa banta ng Omicron variant.
“But of course, it is the National IATF that will decide as they deem appropriate,” aniya.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon