SUAL, Pangasinan
Tumatanggap na ang panlalawigang gobyerno ng Pangasinan ng mga panukala mula sa mga
posibleng mamumuhunan para sa pagtatayo ng isang international seaport para sa bayan ng Sual.
Sa isang panayam kay Governor Ramon Guico III noong Martes, ay sinabi niyang may awtoridad na ang probinsiya upang pasimulan ang mga pagbabago sa mga daungan. “Kaya, tumatanggap na
kami ng mga panukala mula sa mga proponent kung nais nilang mamuhunan maaaring sa pamamagitan ng joint venture agreement o public and private partnership sa probinsiya,” aniya.
Kaugnay ito ng adhikain ni Guico na gawin ang Pangasinan na isang industrial hub na madaling mapuntahan sa pamamagitan ng lupa, himpapawid at dagat. Ang inisyal na pagpupulong para sa
konsultasyon kasama ang J.M. Vila Design & Consultancy ukol sa proyekto ay ginawa noong
Hulyo 12. Sinabi ni Engr. Juancho Vila, group leader ng J.M Vila Design & Consultancy sa
pagpupulong na, may pangangailangan na paunlarin ang international seaport dahil sa pagsisikip sa Manila International Container Terminal.
Sinabi niya na ang Sual ay karapat-dapat dahil mayroon itong Sual Power Plant at sa nalalapit na konstruksiyon ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) phase 1 na magpapadali sa oras ng pagbibiyahe mula sa silangan at kanlurang mga bahagi ng Pangasinan. Samantala, ang proyektong PLEX ay isang joint venture kasama ang San Miguel Holdings Corporation, bilang nanalong bidder.
Sa huling panayam ay sinabi ni Guico na hindi gagastos ang porobinsiya ng kahit isang sentimo sa
proyekto, ngunit magiging isang pangunahing partner ang probinsiya kung pag-uusapan ang pagmamay-ari at kita.
Sinabi niya na ang phase 1 ng PLEX project ay sakop ang 42.76 kilometro (km) kahabaan mula bayan ng Binalonan hanggang bayan ng Lingayen, ang kapitolyo ng probinsiya. Sasakupin ng proyekto ang 6.9 km mula mga bayan ng Binalonan hanggang Manaoag, at 11.30 km mula mga
bayan ng Manaoag hanggang Calasiao, at 2.39 km mula mga bayan ng Calasiao hanggang Lingayen, sakop ang 22.17 km. Sa ilalim ng kasunduan, may karapatan ang probinsiya sa 5 porsiyentong bahagi sa kita sa toll at kita sa commercial development ng proyekto mula sa umpisa ng panahon ng konsesyon, aniya.
“May Karapatan din ang panlalawigang gobyerno sa 30 porsiyentong kita ng earnings before taxes matapos malagpasan ng proponent ang project internal rate return (PIRR) na 10 percent,” dagdag
niya. Kung ang PIRR ay lalagpas ng 12 porsiyento, ang probinsiya ay makakabahgi ng 70 porsiyento ng earnings before tax.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
July 23, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024