Pangasinan pinarangalan bilang isa sa most competitive provinces

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakuha ng probinsiya ng Pangasinan ang ika- 16 na puwesto sa top 20 most competitive provinces sa bansa sa 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) survey ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa isang panayam sa telepono noong Huwebes ay sinabi ni DTI Pangasinan provincial director Natalia Dalaten na ang puwesto ng probinsiya ay umakyat mula ika-30 sa ika-16 noong nakaraang taon sa 81 na mga probinsiya sa buong bansa.
“The CMCI is the measurement of the overall competitiveness of the LGUs (local government units) in the field of government efficiency, economic dynamism, resiliency, and innovation,” aniya.
Pinasalamatan ni Pangasinan Governor Amado Espino III ang DTI para sa komendasyon.
“Let me convey my sincerest gratitude and appreciation to the DTI especially DTI-Region I and DTI-Pangasinan, headed by regional director Grace Falgui- Baluyan and provincial director Natalia Dalaten, for recognizing the province of Pangasinan as one of the top 20 of the Most Competitive Provinces nationwide,” pahayag niya sa isang video message noong Pebrero 8.
Pinuri din ni Espino ang iba-ibang city at municipal LGUs sa Pangasinan na nagbigay ng papuri at karangalan sa probinsiya para sa kanilang aktibong partisipasyon sa CMCI.
“Congratulations to the city and municipal LGUs all over (the) Ilocos Region that likewise made it to the top. Let’s continue to work together for the good of the province and the region as well,” dagdag niya.
Ang ibang city at municipal LGU awardee sa Pangasinan ay ang mga bayan ng Sto. Tomas, Manaoag, Lingayen, Balungao, Labrador, Calasiao, Bayambang, Tayug, Sison, Umingan, Malasiqui, Basista, Urdaneta City, Dagupan City, at San Carlos City.
Ginawaran ang Dagupan City sa pagiging una sa overall competiveness sa mga component cities sa Rehiyon ng Ilocos.
Sinabi ng DTI na ang CMCI ay isang taunang ranking sa iba’t-ibang mga lungsod at munisipalidad sa bansa base sa isang gamit na nilikha ng National Competitiveness Council (NCC).
Ang gamit ay nakaposisyon upang palakasin ang mga LGU upang sukatin ang kanilang kasalukuyang competitiveness laban sa global standards, pagtukoy sa mga lugar para growth and development, at pagbibigay ng mga posibleng reporma at inisyatibo upang mas lalong pasiglahin ang local competitiveness.
Ang balangkas ng CMCI ay kinuha mula sa isang layunin na gawin ang bansa na maging mas competitive sa buong mundo sa pagsukat sa local competitiveness base sa apat na pangunahing pamantayan – economic dynamism, government efficiency, infrastructure, at resiliency.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon