Panukalang batas sa holiday season, one way sa Baguio

Nov 18, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Isinasabatas ngayon na gawing one way ang mga kalsada sa lungsod, partikular na sa central business district area tuwing holiday season, para hindi na maranasan ang mabigat na daloy ng trapiko, gaya ng naranasan sa nakaraang ASEAN summit.
Kalbaryo sa matinding trapiko, mahabang pila sa jeepney terminal at habang ang iba naman ay tiniis ang maglakad pauwi; ito ang mga nararanasan ng mga residente dulot ng pagdagsa ng mga bakasyunista tuwing holiday season.
Dahil dito, isang panukalang ordinansa ang binabalangkas ni Councilor Edgar Avila sa konseho ng lungsod para maibsan ang matinding trapiko tuwing holiday season, na gawing one way ang mga major roads sa lungsod.
Ayon kay Avila, masyadong napeperwisyo ang mga residente at malaking epekto sa mga estudyante, na dahil lamang sa traffic ay nakakansela ang klase, “We welcome tourists at malaking tulong ang mga ito sa ating ekomiya sa lungsod, pero kailangan bigyan natin ng solusyon ang problemang ito para hindi na mangyari ulit.”
Nakasaad sa panukalang ordinansa na may titulong “An ordinance regulating the use of motor vehicles during particular holidays in the city of Baguio”, na tatlong araw, before and after ay maiproklama ang holiday, para maipatupad ang one way traffic scheme sa lungsod.
Hinalimbawa na gawing one way ang Session Road mula upper patungo sa Magsaysay Avenue at Harrison Road; Kisad Road papuntang downtown at Legarda Road naman ang magiging outbound street para sa mga motoristang palabas ng Session Road.
Mahigpit na ipapatupad din sa ordinansa ang pagbabawal sa mga sasakyan na pumarada sa tabi ng kalsada, lalo na sa mga daanang papunta sa mga tourist spots.
Sa mga mahuhuling illegal parking ay gagamitan ito ng towing truck at pagmumultahin ng P3,000.
Mga pampublikong sasakyan lamang sa lungsod ang puwedeng gamitin ng mga turista sa kanilang pamamasyal, dahil ipagbabawal na gamitin ang sariling sasakyan, dahil obligado silang iwanan ito sa kanilang hotel, resort at transient houses. Tanging shuttle service ng hotel lamang kanilang puwedeng gamitin.
Nakasaad din sa panukalang batas, na puwedeng gamitin ng turista ang kanilang sasakyan, pero magbabayad muna ng tinatawag na Congestion Charge sa halagang P500 at kung mai-stranded ay reresponde ang mga government vehicle.
Ayon kay Avila “wala tayong eksperto para solusyunan ang matinding trapiko na dulot ng mga turista sa pagdagsa sa lungsod tuwing holidays at ang puntirya sa reklamo ay mga opisyal at kapulisan. I welcome naman sa suggestions and recommendations, para sa solusyon ng trapiko sa ating siyudad.”
Kapag naisabatas ang ordinansa, ipapatupad ang one way traffic scheme ngayong Christmas holidays, na inaasahang muling pagdagsa ng mga bakasyunista. ZALDY COMANDA / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest