“PARA SA MAGSASAKA ANG RA 7171, RA 8240 TAX SHARES, HINDI SA BULSA”

Tutuldukan na marahil ng Local Budget Memorandum No. 86 ng Dept. of Budget and Management (DBM) na inilabas noong Disyembre 14, 2022 ang pandarambong sa bilyong-bilyong pondong
mula sa excise taxes sa produktong tabako. Inilalahad ng LBM No. 86 ang wastong paggamit ng mga lokal na pamahalaan sa tax shares mula sa RA 7171 (tabakong Virginia) at RA 8240 (Burley at native) sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga konsultasyon sa mga magsasaka upang tukuyin ang mga programa at proyektong kapakipakinabang sa lipunan.

Kung walang magawa ang National Tobacco Administration (NTA) sa paggamit ng mga LGU beneficiaries ng RA 7171 at RA 8240 sa mga nakaraan, sa mandato ng LBM No. 86, ang NTA mismo ang mangangasiwa sa mga konsultasyon sa pagitan gn LGUs at magsasaka. Ayon pa sa LBM No. 86 kinakailangang nakalahad sa mga inaprubahang Local Investment Programs at Annual
Investment Programs (AIPs) ng mga LGUs ang mga programa at proyektong isasakatupang ng mga LGUs gamit ang tobacco excise tax fund.

Hindi biro ang laki ng pondong napapasakamay ng mga LGUs dahil sa dugo at pawis ng mga magsasaka ng tabako — P15.01 billion excise fund mula sa Virginia tobacco nitong 2020 at P4 billion mula sa Burley at Native tobacco. Tatanggap ang Ilocos Sur ng P9.28 billion, ang pinakamalaking tipak ng tax shares sa Virginia tobacco na susundan ng Abra (P2.03 billion), Ilocos Norte (P1.88 billion); at La Union (P1.82 billion). Ang hatian sa antas probinsya’y 70 porsyento ay
pupunta sa munisipyo at 30 porsyento naman sa provincial government.

Ang unang 10 munisipyong pinakamalalaking bahagi mula sa RA 7171 ay: Magsingal (Ilocos Sur) – P764, 823,126; Candon City (Ilocos Sur) – P656,446,632; Pilar (Abra) – P650, 564,891; Cabugao
(Ilocos Sur) – P567,481,053; Balaoan (La Union) – P529,265,776; Sinait (Ilocos Sur) – P456,325,843; Sta. Cruz (Ilocos Sur) – P414,084,062; San Juan (Ilocos Sur) – P323,495,337;
Pinili (Ilocos Norte) – P298,838,814; and Burgos (Ilocos Sur) – P298,473,560.

Tatanggap naman ng pinakamalaki ang Isabela (P1.88 billion) mula sa 18 lugar na nagtatanim ng Burley at native tobacco. Tatanggap naman ang Quirino (Isabela) – P169,614,784; Roxas (Isabela) – P154,022,563; Aurora (Isabela) – P149,625,636; Malig (Isabela) – P102,374,263; Reina Mercedes (Isabela) – P72,580,611; Alcala (Pangasinan) – P72,060,844; Ilagan City (Isabela) – P58,365,308; Narvacan (Ilocos Sur) – P48,074,000; Bauang (La Union) – P44,166,807; at
Laguindingan (Misamis Oriental) – P40,530,529. Napakalaking salapi. Napakalaking responsibilidad upang tiyakin ang kapakinabangan ng mga nagbubuwis ng dugo at pawis upang mailuwal ang ganitong halaga!

RESILIENCY FOR EVERYONE

FLOWER IN BLOOM

Amianan Balita Ngayon