Tinututulan ng mga mangingisda ang planong pagtatayo ng 2,000 megawatt BuhaWind Offshore Windfarm sa baybayin ng Pasuquin, Burgos, Bangui at Pagudpud sa Ilocos Norte. Ayon sa plano ng Danish energy company Copenhagen Energy at local na partner nitong PetroGreen Energy Corporation, hindi makapangingisda sa lugar ng tatlong taon habang itinatayo ang windfarm. Itatayo ang windfarm mula 1-18 kilometeo mula sa pampang at lalim na 80-800 metro. Pinangangambahang hindi makapangingisda ang mga mamamayan sa loob ng 50- meter radius sa paligid ng wind turbines na maliwanag na ipagkakait sa mamamayan ang kanilang kabuhayan.
Umaabot sa 6,339 mamamalakaya at mangingisda ang apektado mula sa apat na munisipyo ng Ilocos Norte ayon sa tala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Hindi kasama ang bilang na ito sa mga hindi pa rehistradong mangingisda. Bukod sa pagkakait sa kabuhayan ng mga libo-libong mangingisda ng Ilocos Norte, pinangangambahan ipapahamak ng BuhaWind Offshore Windfarm ang kalikasan dahil magdudot ang proyekto ng underwater noise pollution, sisira sa natural fish habitats at iba pang dagok sa pangisdaan at iba pang rekurso sa dagat. Sinususugan ng Go North ang kahalagahan ng pagtatayo ng mga alternatibong paggkukunan ng enerhiya bilang pamalit sa fossil fuels, ngunit hindi nararapat na ipinapahamak ang karapatan at kagalingan ng mga mangingisda at kalikasan.
Ipinapaalala rin ng Go North na sa kinatagal-tagal din ng Ilocos Norte bilang “hub for renewable energy” dahil dito itinayonang pinakamalaking windfarm sa Southeast Asia at sumunod na mga windfarms na kinagigiliwang pasyalan ng mga dayuhan at lokal na turista, nananatiling nagsusumamo sa benepisyo ang mga mamamayan. Sapagkat ang electrisidad mula sa wind at solar farms sa Ilocos Norte ay direktang napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at naibebenta ito sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan ang mga dambuhalang korporasyon ang nakikinabang sa kita kaysa mamamayan sa mga lugar na kintatatayuan ng mga windfar at solar farms.
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 24, 2025