PARTNER IN CRIME HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Isang mag-partner sa pagbebenta ng shabu ang nasakote at nahulihan ng kalahating milyong halaga ng iligal na droga, matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa may Barangay San Vicente,Baguio City,noong Oktubre 22. Ang suspek ay kinilalang sina Joy, 37, regional target list ng PDEA at umano’y supplier nito na si Enton, 35, ng Barangay Kias, Baguio City.

Ayon sa PDEA, matagal na nilang minamanman ang suspek na si Joy kaugnay sa pagbebenta nito ng shabu, hanggang kumagat ito sa transaksyon sa isang nagpanggap na poseur-buyer at naisagawa ang transaksyon,dakong alas 12:15 ng hapon. Nakumpiska sa pagbebenta ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P400,000.00 at 13 sachet pa ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P100,000.00, na nakumpiska mula sa lalaking suspek na dati nang naaresto sa kasong droga ngunit napawalang-sala. Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na ngayon ay nasa kustodiya ng PDEA.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon