Sumulat po ako hindi dahil masama ang loob ko kundi nais ko lamang pong ibahagi ang hinaing at obserbasyon ng ilang kasama. Ilang taon na ring may patimpalak sa photography at articles tungkol sa Panagbenga at kapansin-pansin na ang mga nananalo ay pare-pareho lamang na tao. Kalimitan pa nga ay nakakaraming panalo ang mga national photographers, samantalang wala o kulelat ang mga locals. Wala na bang karapatang manalo ang mga local photographers o mga amateurs na mayroon namang ibubuga? Paano ba ang pagpili at sino ang mga namimili? Kung nais ng pamunuan ng Panagbenga ang mas malawak na media exposure eh bakit nawawalang bahala ang locals? At bakit inaabot ng siyam-siyam o isang buong taon bago ipahayag at gantimpalaan ang mga nanalo? Tama nga yata ang kasabihan, kasama ka nga subalit hindi ka kasali! Bato-bato sa langit, nakupo wala sanang tamaan! Isang photo correspondent
March 4, 2017
March 4, 2017
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024