“Payout now, work later” malaking tulong sa mga manggagawa sa Ilocos Norte na tinamaan ng ECQ

Ang unang grupo ng informal sector workers at freelance workers na naapektuhan ng enhanced community quarantine ay nakatanggap noong Huwebes ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno ng Ilocos Norte sa pamamagitan ng Ilocos Norte Trade and Investment Center (INvest).
Kasama sa mga nakatanggap ng PhP5,000 tulong na pinansiyal ay 68 manggagawa mula sa iba’tibang barbershops, salons at spa clinics, sports at fitness centers, massage parlors, gyms, playgrounds, at mga rides sa Laoag City at mga munisipalidad ng San Nicolas at Pasuquin.
Sa kasalukuyang krisis sa langis at tumataas na mga presyo ng mga pangunahing bilihin, isang trabahador ng salon gaya ni Amie Salvador ay sinabing malaki ang pasalamat niya sa pamahalaang probinsiya sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga may-ari at trabahador ng mga maliliit na negosyo, gayundin ang mga nabakanteng arawan na manggagawa, sa pamamagitan ng “Payout now, work later” na programa.
“Malaking tulong ito sa amin dahil hirap na hirap kaming itawid ang pang-araw araw naming buhay mula ng magumpisa ang pandemya,” aniya sa isang panayam nong Huwebes.
Samantala ay sinubukan ni Gina Mabazza ng bayan ng San Nicolas na magbenta ng isda at lutong ulam para sa mga trabahador malapit sa kaniyang beauty parlor sa Loag City nang magsara ang kaniyang shop dahil sa hard lockdown. Sinabi niya na kailangan mong maging isang “jack of all trades” kung nais mong maligtas sa mga panahon ng pandemya.
Ayon sa INvest, ang 68 informal workers na tumanggap ng kanilang payout noong Huwebes ay kabilang sa unang grupo ng mga aplikante para sa Livelihood Assistance Program para sa informal sector ngayong taon. May kabuuang 432 benepisaryo ang inaasahang makakatanggap ng kanilang PhP5,000 tulong pinansiyal sa darating na mga araw sa iba’t-ibang nayan ng Ilocos Norte.
Sa pamamahagi ng payout na isinagawa sa Capitol Bonsai Garden ay siniguro ni Vice Governor Cecilia Araneta-Marcos sa mga benepisaryo na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya upang tulungan makabawi ang ekonomiya sa lahat ng sektor dahil sa pandemya.
Para sa mga interesado na nagnanais makakuha ng benepisyo sa programa, sinabi ng INvest na maaaring bumisita ang mga kuwalipikadong tao sa kanilang opisina sa Provincial Capitol Building, Laoag City o kaya ay kontakin sila sa Facebook: INvest Ilocos Norte.
Noong nakaraang taon ay naglaan ang gobyerno ng Ilocos Norte ng PhP15 milyon para sa cash-for-work program nito, na nabenipisyuhan ang mga arawang kumikita na hindi makapagtrabaho dahil sa mga restriksiyon ng quarantine. Ang unang grupo ng mga benepisaryo noong 2021 ay kasama ang public transport workers, gaya ng tricycle at jeepney drivers.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon