LAOAG CITY, Pangasinan
Hinihikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pangsinan ang publiko na maging mapagmasid at ireport ang anumang kahina-hinalang mga aktibidad na may iaugnayan sa iligal na droga sa kanilang lugar upang makamit ang isang drug-cleared community. Sinabi ni Rechie Camacho, provincial director ng PDEA Pangasinan na ang partisipasyon ng mamamayan sa pagbibigay-alam sa mga nagpapatupad ng batas ukol sa mga aktibidad ng iligal na droga sa kanilang lugar ay mapapasigla ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga upang makamit ang isang drug-cleared Pangasinan.
“Sa ating mga mamamayan sa Pangasinan, hindi po ito (anti-drug) kaya ng PDEA at ng kapulisan. Kailangan po namin ng tulong ninyo upang tuluy tuloy po nating sugpuin itong problema natin sa illegal na droga dito sa ating lalawigan,” sinabi ni Camacho sa isang virtual program ng Philippine
Information Agency (PIA) Pangasinan noong Martes. Sinuguro ni Camacho sa publiko na ang mga detalye ng impormante ay lubos na ililihim upang masiguro ang kanilang seguridad.
Niliwanag din niya na lahat ng impomasyon hinggil sa pinaghihinalaang mga aktibidad ng iligal na droga sa kanilang komunidad ay sasailalim sa pagsusuri at tutugunan ng mga ahente ng PDEA.
“Sa kasalukuyan po, mula Enero nitong taon, meron na po tayong 10 drug personalities na nahuli kung saan ang value ng confiscated drug evidence natin ay umaabot na sa isang milyong piso,” ani Camacho. Batay sa barangay drug clearing report ng PDEA Pangasinan, sa 1,364 mga barangay sa Pangasinan, 1,272 mga barangay ay apektado ng droga.
Sa bilang na ito, 87 porsiyento ang drug-cleared, binubuo ng halos 1,104 drug cleared na mga barangay. Sinabi ni Camacho na sa mga apektado ng droga ba mga munisipalidad at lungsod sa
probinsiya, 28 ay drug-cleared habang ang mga bayan ng San Jacinto, Agno, Asingan, Bani, Bautista, Binalonan, Binmaley, Bolinao, Dasol, Infanta, Manaoag, Pozorrubio, San Fabian, San Quintin, Sual at Umingan kasama ang mga lungsod ng Dagupan, San Carlos, at Urdaneta ay
nananatiling apektado ng iligal na droga.
Binigyan-diin ni Camacho na sa tulong at partisipasyon ng komunidad, ang hangarin na gawing isang drug-cleared province ang Pangsinan ay malapit ng matupad. Sinabi niya na maaaring
ireport ng publiko ang anumang kahina-hinalang mga aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga sa PDEA Pangasinan sa official Facebook page nito, magpadala ng email sa [email protected], o tumawag sa cellphone number 09270748967.
(EMSA/PIA Pangasinan/PMCJr.- ABN)
April 22, 2023