SAN QUINTIN, Pangasinan
Ang mga munisipalidad ng Agno at Bautista sa Pangasinan ay idineklarang drugcleared ng Philippine Drug Enforcement Agency’s (PDEA) regional committee, kung saan 12 na lamang sa 48 munisipalidad at mga lungsod ng probinsiya ang lilinisin pa. Sa isang panayam sa telepono noong Huwebes, sinabi ni PDEAPangasinan director Retchie Camacho na dalawang bayan ang nakapasa sa deliberasyon na ginawa noong Martes sa Tubao, La Union, na nakasunod sa mga requirement at na-clear ang kanilang mga barangay sa illegal drug activities at personalities.
Sinabi din ni Camacho na walong barangay mula sa San Carlos City, at mga bayan ng San Quintin
at Manaoag ang idineklara ring drugcleared ng PDEA regional committee. Sinabi niya na sa ngayon ay 1,160 kabuuang cleared na mga barangay sa 1,272 drug-affected na mga barangay. “There remain 8.8 percent that need to be cleared in the entire province but we see that the local government units (LGUs) are very supportive and we are here to guide them in achieving their drug-cleared status,” aniya.
Sinabi ni Camacho na tuloytuloy na monitoring ang isasagawa kahit sa mga drug-cleared na mga lugar. Samantala, ang ika-10 Balay Silangan reformation center sa Pangasinan ay binuksan sa
Alaminos City noong Martes. “Alaminos City has been declared drug-free since 2017 but the city government is very supportive in the fight against illegal drugs, hence they put up their own
Balay Silangan, which can be used by other municipalities for their street level pushers as long as they have a memorandum of agreement with Alaminos City
government,”ani Camacho. Ang iba pang pasilidad ng Balay Silangan facilities ay nagooperate sa San Carlos City at mga bayan ng Sison, Basista, Asingan, Umingan, San Fabian, Balungao, Manaoag at San Quintin. Sinabi ni Camacho na ang mga local government units na walang kapasidad na magtayo na kanilang sariling pasilidad ng Balay Silangan ay maaaring pumasok sa isang memorandum of agreement sa ibang mga LGU upang matanggap ang kanilang mga sumuko at magsimula ang proseso ng drug-clearing sa kanilang mga lugar.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
November 25, 2023
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024