PDEA, kaya bang magsolo?

Oct 21, 2017

Muli ay nasa sentro na naman ng paningin ng madla at sambayanang Pilipino ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos hirangin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging ‘solong ahensiya’ na pangunahing gaganap, nagtatrabaho sa kampanya ng gobyerno laban sa mga ilegal na droga.
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na solong mangunguna sa pagsasagawa ng ‘Oplan Tokhang’ o anti-drug campaign habang pinagbabawalan na ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies.
Sa Memorandum mula kay Pangulong Duterte  na nilagdaan noong Martes ay ipinagbawal na nito sa PNP, NBI, AFP at iba pang law enforcement agencies ang pagsasagawa ng anti-drug operations at sa halip ay eksklusibong ipapatupad na lamang ito ng PDEA gaya ng nakasaad sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.Nag-ugat ang kautusang ito at tila napilitan ang Pangulo na gawin ito dahil sa mga batikos at oposisyon sa mga operasyon ng PNP na nagbunga ng mga alegasyon at paratang na umiiral ang “extra judicial killings” (EJK) sa bansa.
Nadagdagan pa ito nang maglabas ang Social Weather Stations (SWS) na ipinapakitang bumulusok pababa ang public satisfaction ratings ni Duterte ng 18 puntos, mula +66 noong Hunyo sa+44 nitong Setyembre. Ang pagbaba ng rating niya ay isinisi sa patuloy na mga pagpatay ng kaniyang (Duterte) marahas na giyera laban sa droga na pinapaniwalaan ng iba na umabot na sa 3,850 kamatayan bunsod ng operasyon ng kapulisan habang nasa 2,290 ang pinapaniwalaang pinatay ng mga vigilantes.
Ang katotohanan ay PDEA ang tangi at tunay na pangunahing institusyon na may mandato ng batas upang labanan ang ilegal na droga sa Pilipinas. Itinatag ang PDEA noong 2002 upang ipatupad ang mga probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang mahalaga pa dito ay PDEA ang itinuturing na kamay na tagapagpatupad ng Dangerous Drugs Board (DDB) – ang policy-making at strategy-formulating body sa drug prevention and control sa Pilipinas.
Sa ngayon ay 1,274 ahente lamang mayroon ang PDEA at ang bilang na ito ay lubhang nakakabahala – may kapasidad ba ang opisina upang isulong ang kampanya? At ngayong nagsosolo na sila ay kailangan nilang magdoble o triple pang magtrabaho dahil sa napakalawak ng sakop nila higit pa dito ang maladambuhala, napakalawak at madulas na operasyon ng ilegal na droga. Kaya ba ito ng PDEA na nag-iisa lamang?
Ang laban sa ilegal na droga ay sukdulang nakakatakot na kahit pa bago ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay kinakailangan ang tulong ibang ahensiyang tagapagpatupad ng batas upang isagawa ang trabaho.Ang napakalaking tanong ay kaya bang pangunahan ng PDEA ang giyera laban sa droga at kakayanin pa ba nila? Kung si PDEA chief Aaron Aquino ang tatanungin ay maliwanag na kailangan pa nila ang PNP lalo na at mahigit lamang na isang libo ang kaniyang tauhan.
Maaaring ang pagpapalit ng mangungunang ahensiya laban sa droga ay makakatulong ibalik ang integridad ng marahas na kampanya at matigil ang mga pagpatay at ang hindi-tapat at korap na mga opisyal ng pulis ay nagbayad na at magbabayad pa para sa kredibilidad ng PNP sa pagsasagawa ng operasyon laban sa droga. Maaari ding ang desisyon na ito ni Pangulong Duterte ay matitigil na ang pagdanak ng dugo at gawing ligtas ang bawat kalye para sa lahat – lalo na para sa kabataan. At ngayong PDEA na ang mamumuno sa kampanya ay kinakailangan at mahalagang magkaroon at mabihisan ito ng “professional anti-drug personnel” na magsasagawa ng operasyon na may integridad at respeto sa kaukulang proseso.
At kahit pa nagpalit na ng awtoridad ay hindi dapat maligtas ang mga opisyal ng pulis at gobyerno na may kinalaman sa droga at nagtaksil sa bayan. PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest