BAGUIO CITY
Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang pagkakasamsam sa mahigit sa P397 milyong halaga ng iligal na droga mula
sa kanilang walang humpay na operasyon sa nakalipas na unang quarter ng taong 2025. Sa talaan, ang mga ahente ng PDEA ay nakapagsagawa ng 742 anti-illegal drugs operation na kinabibilangan ng 214 marijuana eradication, 86 buy-bust at 30 sa search warrant
operations. May kabuuang 1,533.47 kilograms ng shabu ang nakumpiska na may halagang P138,096,169; shabu liquid na 2,040 ml na may halagang P272; Marijuana oil na 312 ml na may halagang P28,646.82; marijuana plants at seedlings na 81,246,215 piraso na may halagang P208,976,955.42 at marijuana bricks/stalks na 2,580,936.33 gramao na may halagang P36,200,131.67, na may kabuuang Standard Drug Price na P397,292,866.23.
Sa mga buy-bust operation, may kabuuang 111 drug personalities na ang nahuli na kinabibilangan ng 69 drug pusher, 30 drug possession, paglansag sa dlawang drug den at pagkakadakip sa dalawang drug den visitor. Sa datos ng Regional Barangay Drug clearing ay may 798 ang drug-cleared barangay; 382 ang drug-free at 18 ang drug-affected mula sa kabuuang 1,178 barangay sa buong rehiyon. Sa nalalabing drug affected ay hamon sa PDEA masugpo ang 10 barangay na kinaroroonan ng mga identified drug personalities, dalawang barangay ang may marijuana plantation at anim barangay ang may presensya ng mga aktibong drug personalities.
ZC/ABN
April 12, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025