Pediatric vaccination tumataas sa Lunsod ng Baguio

BAGUIO CITY – Ikinasiya ng city government ang unti-unting pagtaas ng bilang ng pediatric groups mula 5 -11 years old na nagpapabakuna, nang simulan na ang Resbakuna Kids sa siyudad ng Baguio.
Sa unang araw ng vaccination roll-out noong Pebrero 14 ay 272 kabataan agad ang nabigyan ng first-dose vaccines at kinabukasan ay tumaas ito sa 495, samantalag noong Pebrero 16 ay nabakunahan ang 741 kabataan na may kabuuang bilang na 1,508.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong sa isinagawang pediatric vaccination roll-out ay nasa 3.21% agad ito mula sa 2022 population target na 46,955 mula 5 to 11 age group na inaasahang mababakunahan sa lungsod.
Mahigit sa 10,000 pediatric group na ang nagrehistro para sa vaccination.
“Maraming salamat po sa mga magulang at sa mga bata para sa tulong ninyo para siyudad ng Baguio.Our children are finally out of harm’s way. I know that our kids have sacrificed so much during this pandemic, but all of that will finally come to an end,” pahayag ni Magalong.
Iniulat din ni Magalong na may kabuuang 291,898 o 103.86% mula sa adult group ang partially vaccinated, samantalang umabot na sa 276,024 o 98.23% ang vaccinated mula sa target population na 281,000.
“Mahalaga talaga ang bakuna,nakita natin ba unti-unti na ring bumababa ang ating kaso at iyan ang bunga ng ating agresibo na nabakunahan lahat para makabalik na tayo sa normal.”
Sa ngayon mula edad 12-17, ay nasa 34.708 (80.73%) na ang fully vaccinated, samantalang 34,682 (86.26%) naman ang partially vaccinated mula sa 40,238 projected population.
Naitala din noong Pebrero 16 ang 85,428 individual ang tumanggap na ng booster shots.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon