BAGUIO CITY
Isang 42 anyos na lalaki na nagpanggap na pulis at nanghingi ng pera sa jeepney driver ang nasakote ng alertong pulisya sa may Upper Session Road, Baguio City,noong Hunyo 27. Kinilala ang suspek na si Jerry Fines Farnacio, 42, single, barker and resident of Barangay Sanitary Camp, Brookside Baguio, City with provincial address at Ortiz, Naguilian, La Union. Ayon sa imbestigasyon, ang biktimang si Ronald Mendoza Dela Vega, 48, ay nagmamaneho ng mini-bus na
may rutang Plaza-Trancoville at nang papadaan siya sa intersection ng Trancoville at Sanitary Camp ay sumakay ang suspek.
Nang nasa Magsaysay Avenue na sila, nilapitan ng suspek ang biktima at humingi ng pera ngunit sinabi ng biktima na hindi sapat ang kanyang koleksyon para pambayad sa boundary nito. Nagalt umano ang suspek at nagpakilalang isang police officer at ipinakita ang kanyang identification card na may logo ng PNP,kasabay ang pananakot at pamimilit sa paghingi ng pera. Ayon sa biktim para
makaiwas sa gulo dahil natatakot ang ibang pasahero, kinuha ng biktima ang cash collection sa dashboard at iniabot ang P100.00 sa suspek.
Nagkaroon ng pagkakataon na makatawag ang drayber sa personnel ng Traffic Enforcement Unit na nakabase sa may Upper Session Road,na nag-abang sa pagdaan ng mini-bus at nadakip ang suspek na nakaupo sa loob. Narekober sa suspek ang P100.00 bill at isang PNP retiree ID na may pangalan ng isang SP02 Leo Emilio Crispin Jr. Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong Robbery with Intimidation at Estafa.
Zaldy Comanda/ABN
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025